Announcement

Collapse
No announcement yet.

Kasaysayan Ni Bobby Lee AKA Sybian

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • #21
    ANG isang hindi ko malilimutang pangyayari habang namboboso sa hotel na iyon ay nang isang maid na Pinay ang pinagtangkaang gahasain ng kanyang among Kuwaiti. Katatapos lamang noon ng Gulf War at karamihan sa mga Kuwaiti ay nagsitakas sa kanilang bansa at nagtungo sa mga kalapit- bansa na kinabibilangan ng Saudi Arabia, Oman at UAE.

    Halos mapuno ng guests ang hotel. Kabilang sa mga tumuloy doon ang isang pamilyang Kuwaiti at kasama ang kanilang katulong na Pinay. Tatlong magkakatabing kuwarto ang inokupa ng Kuwaiti. Sa unang kuwarto ay para sa kanilang mag-asawa, ang sumunod ay para sa anim na anak at sa ikatlo ay para sa Pinay. Ang kuwarto ng Pinay ang suwerteng natapat sa "silipan".

    Noong una ay hindi ko napansin na Pinay pala ang aking sinisilipan. At maski si Kabayan ay hindi rin iyon napansin. Ang buong akala ko’y Indonesian. Hindi naman gaanong kagandahan ang Pinay pero maganda ang katawan at sa tantiya ko’y mga 25 anyos.

    "Bago ang isang ’to Bobby," sabi ni Kabayan.

    "Anong bago?"

    "Kahapon lang dumating ang mag-anak na Kuwaiti."

    "Anong maganda sa kanila?"

    "May seksing maid ang Kuwaiti at tamang-tama na diyan ang kuwarto niya," inginuso ang kuwartong bosohan.

    "Baka naman Ethiopan o Sri Lankan ang maid."

    "Indonesian. Nasulyapan ko kahapon."

    "Naku e mainit pa sa siling labuyo ang mga Indonesiang babae," sabi ko.

    "Sinabi mo pa."

    "Puwede ko nang silipan?"

    "Puwede na."

    Pero nagkamali si Kabayan sa pag-aakalang Indonesian ang maid na nasa kabilang kuwarto. Isang Pinay ang maid. Sa unang tingin ay Indonesian pero nagulat ako nang malamang isang Pinay pala.

    Ang mas nakagulat sa akin ay nang pasukin ito ng amo niyang Kuwaiti at tangkang gahasain.

    Comment


    • #22
      WALA akong kamalay-malay na ang pagpasok ng among Kuwaiti sa kuwarto ng maid na Pinay ay para ito gahasain. Hindi katulad ng mga nakita ko sa aking pamboboso.

      Hayok na hayok ang Kuwaiti. Inabangan na katatapos maligo ng maid nang pasukin sa kuwarto. Maaaring wala ang asawa ng Kuwaiti kaya pinasok ang maid. Nakatapis lamang ng tuwalya ang maid.

      Sa isang baltak ay naalis ang tuwalya at nahubaran ang maid. Naka-panty na lang. Hayok na niyakap ng manyak na amo. Nagpipiglas ang Pinay. Mataba ang Kuwaiti kaya hindi halos makagalaw ang Pinay. Maliit lamang ang Pinay. Pero sa kabila niyon, nagawang masuntok at makalmot ng Pinay ang amo.

      Hanggang sa magpagulung-gulong sila sa sahig.

      "Putang-ina mo! Putang-ina!" iyon ang ibinubuka ng bibig ng Pinay.

      Ako ay hindi makagalaw sa kinauupuan. Hindi ko malaman ang gagawin. Natuliro. Iba na ang nangyayari sa kuwarto. Nasa panganib ang Pinay kung hindi matutulungan.

      Mas lalo pa akong natigilan nang makita ko ang pagpasok ng asawang babae ng Kuwaiti. At okey lang sa kanya nang makitang ginagahasa ng asawa ang Pinay. Tila natutuwa pa sa nangyayari.

      Masama na ang nangyayari. Kasabwat ang asawa sa paggahasa sa Pinay.

      Madali akong lumabas ng kuwarto at hinanap si Kabayan. Sinabi kong isang Pinay ang nirereyp at katulong pa ang asawa.

      Comment


      • #23
        PINAY ang ginagahasa kaya hindi maaaring ipagwalangbahala. Bosero ako pero pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan lalo at kapwa Pinoy nakahanda ako.

        "Tulungan natin siya Kabayan," sabi ko pagkaraang makalabas sa kuwartong "bosohan".

        "Ano bang ginagawa Bobby?" tanong ni Kabayan na para bang hindi naniniwala.

        "Kasabwat pa ang asawang babae sa paggahasa sa Pinay maid," sabi kong nagpapaliwanag.

        "Baka nagkakamali ka lang Bobby. Delikado kung bigla tayong susugod sa kuwarto at pagkatapos ay hindi naman pala ginagahasa."

        "Sigurado ako Kabayan. Hinubaran na ng among Kuwaiti ang Pinay at ginagahasa na. Gusto mong silipin?"

        "Sige."

        Mabilis kaming pumasok sa "bosohang kuwarto." Sumilip si Kabayan. Matagal.

        "Anong nakita mo?" tanong ko.

        "Oo nga! Ginagahasa nga. Halika tulungan natin ang Pinay!"

        "Papasukin natin?"

        "Oo. Pero magsasama tayo ng pulis o motawa."

        "Tatawagin ko pa ang iba pang kasamahang Pinoy."

        "Sige. Tatawag ako ng pulis o maski motawa."

        Mabilis akong nagtungo sa kuwarto ng mga kasamahan ko. Kinatok ko sila. Sinabi ang nangyayari sa Pinay na nasa ground floor. Delikado ang Pinay at baka pa patayin ng mga walanghiyang amo.

        Mabilis na nagbabaan ang mga kasamahan ko at nagtungo sa ground floor. Nakatawag na pala ng pulis si Kabayan at pinupuntahan na ang kuwarto ng Kuwaiting rapist.

        Kinakabahan naman ako ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaroon ng imbestigasyon baka masabit ako. Paano nalaman ang nangyayaring pangre-rape. Baka mabulgar ang "bosohang kuwarto" at madiin ako.

        Comment


        • #24
          magandang kuwento, ala na ba.

          Comment


          • #25
            haha too much basa basa

            Comment


            • #26
              Ano ito tiktik or zerex

              Comment


              • #27
                wala na bang karugtong to?

                Comment


                • #28

                  Comment

                  Working...
                  X
                  TOP