ANG isang hindi ko malilimutang pangyayari habang namboboso sa hotel na iyon ay nang isang maid na Pinay ang pinagtangkaang gahasain ng kanyang among Kuwaiti. Katatapos lamang noon ng Gulf War at karamihan sa mga Kuwaiti ay nagsitakas sa kanilang bansa at nagtungo sa mga kalapit- bansa na kinabibilangan ng Saudi Arabia, Oman at UAE.
Halos mapuno ng guests ang hotel. Kabilang sa mga tumuloy doon ang isang pamilyang Kuwaiti at kasama ang kanilang katulong na Pinay. Tatlong magkakatabing kuwarto ang inokupa ng Kuwaiti. Sa unang kuwarto ay para sa kanilang mag-asawa, ang sumunod ay para sa anim na anak at sa ikatlo ay para sa Pinay. Ang kuwarto ng Pinay ang suwerteng natapat sa "silipan".
Noong una ay hindi ko napansin na Pinay pala ang aking sinisilipan. At maski si Kabayan ay hindi rin iyon napansin. Ang buong akala ko’y Indonesian. Hindi naman gaanong kagandahan ang Pinay pero maganda ang katawan at sa tantiya ko’y mga 25 anyos.
"Bago ang isang ’to Bobby," sabi ni Kabayan.
"Anong bago?"
"Kahapon lang dumating ang mag-anak na Kuwaiti."
"Anong maganda sa kanila?"
"May seksing maid ang Kuwaiti at tamang-tama na diyan ang kuwarto niya," inginuso ang kuwartong bosohan.
"Baka naman Ethiopan o Sri Lankan ang maid."
"Indonesian. Nasulyapan ko kahapon."
"Naku e mainit pa sa siling labuyo ang mga Indonesiang babae," sabi ko.
"Sinabi mo pa."
"Puwede ko nang silipan?"
"Puwede na."
Pero nagkamali si Kabayan sa pag-aakalang Indonesian ang maid na nasa kabilang kuwarto. Isang Pinay ang maid. Sa unang tingin ay Indonesian pero nagulat ako nang malamang isang Pinay pala.
Ang mas nakagulat sa akin ay nang pasukin ito ng amo niyang Kuwaiti at tangkang gahasain.

Comment