Announcement

Collapse
No announcement yet.

Business Networking

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Business Networking

    Mga pare ko naisip ko na maaari natin pakinabangan sa kabuhayan ang samahang Pinoy dito. Kung ang mga repapips na madalas dito ay alam ang mga kinabubuhay ng bawa't isa o ang kaniya-kniyang kuneksyon ay malaking oportunidad para lahat.

    Iniisip ko na mag-umpisa ng thead na maaaring i-post na mga parekoy dito ang kanilang linya ng hanapbuhay o mga kuneksyon.

    Yung mga may negosyo na naghahanap ng reliable na supplier sa Iba't-ibang lugar ay baka dito makatagpo. o di kaya ay may mga Pinoy dito na may kakayahang maging supplier.

    Yung collective na kuneksyon ng mga parekoy dito ay malaking ginhawa din sa mga Pinoy na naghahanap ng kontaks. Yung mga may kuneksyon ay pwede din naman mangomisyon.

    Sa ganitong paraan ay magiging productive ang ating pagtambay sa ating "pahingahan" habang tayo ay nagbabatuhan ng mga masasayang inpormasyon tungkol sa paborito nating sport na boxing.

    Mga repapips, umpisahan ko. Sana ay pakinabangan natin ito.

  • #2
    Linya ko sa negosyo ay

    a) financing... pero small scale lang. Pinapatulan ko mga salary loans. mga pautang para sa OFWs na papaalis, at mga real estate loans na may kasamang commercial development.

    b) innovative products... may bago ako produkto na lighted road markers., parang catseye kaya lang ito ay may special LED lights (hindi si pareng led). solar powered ito na may sensor. Kusa iilaw pag madilim at kusang namamatay pag maliwanag. Pag araw ay nag tsa-charge ang baterya. Ang produktong ito ay patented ng isang Pinoy at ako ang exclusive distributor.

    Naipakita na ito sa ibang mga Mayors sa MM at lahat ng makakita ay interesado at nag order na. Kailangan ko mga dealer sa Mindanao, Visayas, at Luzon. May Australian opisyal na nakikita at nag padala na din ng sulat ng interes para sa inisyal na 100k piraso.

    Maganda ang kitaan dito mga repapips.
    Last edited by Daniel Alpha; 06-11-2011, 08:52 PM.

    Comment

    • #3
      Originally posted by Daniel Alpha View Post
      Linya ko sa negosyo ay

      a) financing... pero small scale lang. Pinapatulan ko mga salary loans. mga pautang para sa OFWs na papaalis, at mga real estate loans na may kasamang commercial development.

      b) innovative products... may bago ako produkto na lighted road markers., parang catseye kaya lang ito ay may special LED lights (hindi si pareng led). solar powered ito na may sensor. Kusa iilaw pag madilim at kusang namamatay pag maliwanag. Pag araw ay nag tsa-charge ang baterya. Ang produktong ito ay patented ng isang Pinoy at ako ang exclusive distributor.

      Naipakita na ito sa ibang mga Mayors sa MM at lahat ng makakita ay interesado at nag order na. Kailangan ko mga dealer sa Mindanao, Visayas, at Luzon. May Australian opisyal na nakikita at nag padala na din ng sulat ng interes para sa inistyal na 100k piraso.

      Maganda ang kitaan dito mga repapips.
      Ayos ang thread mo pre!

      At dahil special mention ako, interesado akong tulungan ka sa LED light distribution (and kumita rin syempre). Try ko kung makakatulong ako as dealer pm ko sayo email ko.

      Comment

      • #4
        Originally posted by led View Post
        Ayos ang thread mo pre!

        At dahil special mention ako, interesado akong tulungan ka sa LED light distribution (and kumita rin syempre). Try ko kung makakatulong ako as dealer pm ko sayo email ko.
        sending you details through email... $$$$$$$$$$$$$$$$

        Comment

        • #5
          5 star thread ayus to.....sana mka comisyon ako...hehehe

          Comment

          • #6
            Mga parekoy, mag post din kayo dito kung ano ang mga linya ninyo ng kabuhayan. Naniniwala ako ng magiging productive ang ating gagawin na ito.

            Umpisa pa lang ng ay may magandang nangyari na at may mga kumontak na sa akin. Maari din ito mangyari sa inyong kabuhayan.

            Comment

            • #7
              ako naman ay isang Application Developer.

              Kung meron kayong alam na business na matutulungan pang mas maging productive kung magkakaroon ng application system eh ako ang hanap nyo.

              Rapid ang development. Matagal na ko naghahanap ng client at madami ako pag gagamitan ng salapi.

              Comment

              • #8
                Originally posted by miron_lang View Post

                Parekoy, pls educate mo naman ako. Is this something like software methodology?

                Comment

                • #9
                  Nice thread, but don't post too much details. Remember this is a public forum. Details should be through emails.

                  Ako ay nasa farming ng mga fruit trees. Mga parokyano ko ay mga naglalako sa ibang bansa at sa mga malls. Alam na ninyo siguro kung ano ang mga masasarap na mga prutas ng Pinas, yun and meron ako.

                  Kung may kailangan kayo na Pinoy prutas, PM lang po.

                  Comment

                  • #10
                    Originally posted by miron_lang View Post
                    ako naman ay isang Application Developer.

                    Kung meron kayong alam na business na matutulungan pang mas maging productive kung magkakaroon ng application system eh ako ang hanap nyo.

                    Rapid ang development. Matagal na ko naghahanap ng client at madami ako pag gagamitan ng salapi.
                    Ang fren ko na head ng isang ahensiya ng govt ang pagka alam ko ay nangangailangan ng tulad ng serbisyo na maibibigay mo. PM ko sayo.

                    Comment

                    Working...
                    X
                    TOP