Huwebes, panic mode kami sa trabaho kasi me padating na storm kinabukasan...lahat ng weather forecast ang sabi ay dito talaga dadaan ang storm pagkagaling sa Haiti....
Ligpit dito ligpit doon, lahat ng outdoor furniture ipinasok sa loob, lahat ng pwedeng masira inilipat sa mas secured na location....ibinaba ang mga hurricane shutters, kuntodo check ng mga generators....
Friday ng umaga, himala ng mga himala, maaliwalas ang panahon, tuwang tuwa ang mga nagsa sunbathing na mga tourist.....check uli ako ng weather forecast....nag dissipate daw ang storm pagtama sa Haiti....he he he OK lang, di baleng nasayang ang pagod namin....
Comment