Announcement

Collapse
No announcement yet.

kwento2 lang

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • kwento2 lang

    birthday ko nung araw na yun sa 2004. pag gising ko agad ako sinalubong nang maraming greetings isa na run ang nanay ko. di ko malimutan yun kasi yun kasi ang panahon na nawala na umpisa yung pera namin kaya grabe iyak nya nung binigyan nya ako nang 300 pesos pang inum nalang daw kasama mga barkada ko kasi di sya maka afford pang party. sinabi ko sa kanya na ok lang nga kahit di na nya ako bigyan nang pera para maka save pa sya nang pam baon namin pero pinilit parin nya i bigay ang pera, tinanggap ko agad kasi feel ko iiyak pa sya lalo pag tatangihan ko.

    pag sapit nang gabi sinundo na ako nang dalawa kung pinsan kasi dapat daw mag pa inum ako. sina bi ko sa kanila na 200 lang pera ko( nag sinungaling ako na 200 para maka save ako extra 100 at ma libre ko sa luch yung gerlpren ko sa eskwela), sabi naman ni totot yung pinsan ko na ok lang daw kahit 50 pesos lang daw sapat na daw yan para sa buong gabi, dun ako nag simulang nag duda kung ano ang plano nila kasi kilala ang mga pinsan ko sa amin na may pag ka sira ulo.

    once naka bihis na ako ay pinasakay na kami ni totot sa kanyang motor(honda dream), para kaming sardinas tingnan kasi 3 malalaking tao kami naka sabay sa isang maliit na sasakyan. dinala kami ni totot patungo sa dagat nang 8 40 anng gabi. tinanong ko sya kung bakit kami papunta sa baryo, agad naman syang sumagot na basta relax lang ako kasi bday ko sabay naman tumawa ang isa kung pinsan na si tuko. para na rin ako na excite kasi feeling ko may magandang mangyayari sa gabi na yun pero at the same time para rin akung nahihinayang na 200 lang ang budget ko. pag dating namin sa dagat ang nag travel pa kami nang mga 10 min sa baryo hanggang makarating kami sa dulo nang daanan kung saan may isang maliit na bahay na ang pader ay yari lang sa sako na pinunit at mga plywood na may butas. napansin ko rin sa bahay na isa o dalawang kandila lang ang nagpa ilaw. bago kami nag tumawag sa may ari nang bahay ay sinabihan muna ako ni totot na itago ko nalang ang pera ko sya nalang daw ang bahala sa bday ko habang sabay naman nyang binunut ang pitaka nya at kumuha nang 20 pesos, sinabihan naman ni totot si tuko na palabas sya nang pera kahit 20 lang daw. binigyan ni tuko si totot nang mga 25 pesos, pagka tapos nun aw tinawag nani totot ang may ari nang bahay. isang matandang babae lumabas sa bahay, nakilala nang matanda agad si totot at agad naman sila nag kamustahan. nag tanong ang matanda kung ano ang pakay namin sa kanya, diritso naman nag sabi si totot na gusto sya bumili nang 2 gallon nang kanyan special tuba for 45 pesos, yung ibang bayad utang lang daw. napansin namin na parang tatanggi ang matandaw kasi agad na naka simangot ang mukha nya nung na mention ang word na utang. na kumbinsi ni totot at tuko ang matanda pagka lipas nang ilang minuto kasi maraming beses nila na sabi na bday ko kailang memorable daw to na gabi. nung nakuha na namin ang tuba (binigyan kami nang 2 galon na may shell na logo naka tatak) tinanong ko si totot bakit bumili pa kami nang tuba, sabi namn nya na special to na tuba.tanong ko kung ano naka special nito? sabi ni totot katsubong nakahalo.

    bago kami nag umpisa pa uwi ay sinabihan muna ako ni tuko na isang galon lang uubusin namin kasi delikado na daw kung marami. agad naman ako tumotol sa plano nila kasi marami na ako narinig na kwento na mga taong uminon nang tsaang katsubong na sa sobrang tama ay nang gahasa sila nang kalabaw o kanding. tumawa lang sila totot at tuko nag assure naman sila sa akin na ok lang daw basta moderate at para may proof daw na ok lang ay nag umpisa na silang uminon, nang pinasa na sa akin ang galon sinabihan ako ni totot na 2 o 3 gulps lang daw. medyo hesitant ako sa umpisa pero ininum ko nalang. half way sa byahe namin pa uwi ay bigla tumigil si totot at uminum oa sya nag tuba sumabay na rin kami ni tuko, nung dumating na kami sa aming probinsya ay na ubos na namin ang kalahati nang galon. dumiritso na kami sa bahay namin para i tago sa kwarto ko ang isang galon nang tuba pagkatapos nyan ay dumiritso na kami sa park kung saan may mga kakilala nila tuko at totot na nag inuman sa mga maliit na tindihan sa may gilid.

    pag lipas nang mga oras ay napansin ko nang nag umpisang umipikto na ang special tuba. kami 3 mag pinsan ay nag kalat na sa park. buti nalang walang nang tao masyado dun kasi mga 11 pm na yun. hinde ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na yun, napaka aggressive ko na parang gusto ko sumayaw nang matindi kahit walang music. dinala ako nang pinsan ko sa isang inter barangay disco pag ka hating gabi, tapos yung nalang ang maalala ko sa gabi na yun.

    na gising nalang ako sa umaga sa ingay nang isang babae na sumisigaw. nagulat ako kasi di ko kilala kung sino ang may ari nang bahay na tinulogan ko. nasa isang couch ako sa sala nang bahay natulog habang ang dalawang pinsan ko naman ay nasa sahig na tulog. wala silang lapag na natyulog sahig basta lang naka higa sila sa sahig. nang tumoingin ako kung saan galing ang sumisigaw na babae saka pa ako nakita nang mga may ari na gising na. lumapit sa akin ang lalaki na may ari nang bahay na naka ngiti, gumaan naman ang feeling ko nung nakita ko syang naka ngiti kasi na isip ko na baka kaibigan sya nila totot, habang yung dating sumisigaw na babae naman ay inirapan lang ako sa malayo.

    nung naka lipas ang ilang minuto luminaw na rin ang lahat sa akin, yung lalaki pala ay nasa inter barangay disco nung gabi. nakita nya ako dun na sumasayaw na parang isang sira ulo at yung mga babae naman sa disco ay lumalapit na sa akin isang dahilang kung bakit yung isang groupo nang mga lalaki daw dun ay nag plano nang bugbugin ako. buti nalang narinig sila nung lalaki na may ari nang bahay na tinulogan ko na ka kilala pala nang aking ina. bago pa mangyari ang away ay nilapit na nya ang 2 kung pinsan at pina tulog na nya kami sa kanilang bahay. sinabi din nya ang dahilan kung bakit sinisigawan sya nang asawa nya, si tuko pala ay sumuka sa kanilang banyo pero di sya naka abot sa inodoro habang si totot naman ay inubus yung na tirang fried chicken sa refigerator nila na yun sana ang gawin nilang pang almusal. ginising ko agad ang 2 kung pinsan at nag pasalamat ako sa mag asawa sa pag aruga sa akin nung intoxicated ako. sinabihan lang ako nang lalaki na ok lang daw at i kumusta ko sya sa nanay ko habang yung asawa naman nya ay di ako pinansin. pag dating sa bahay ko ay agad naman umuwi sila totot at tuko, at sinalubong naman ako nang nanay ko sa gate at biglaan sinampal. patungo na sana pala sya sa police station para mag file nang report sa police na nawala ako.


    kwento2 lang to mga tsong, sensya kung medyo malibog. post kayo nang kwento nyo kung gusto kayo mag share. mas maganda kung personal experience nyo
Working...
X
TOP