Announcement

Collapse
No announcement yet.

Ang Tsinelas

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Ang Tsinelas

    share ko lang po...

    ANG TSINELAS

    Tawagin mo na'kong corny, pero nung napanood
    ko yung pelikula nina
    Regine at Richard, eto lang
    ang nasabi ko: "WISH KO LANG".

    Sabi sa pelikula, ang taong para talaga sa'yo
    (yung right one ika nga) ay
    para raw TSINELAS. Di naman sinasabing
    mukhang goma o balat ang hanapin
    mo. Ganito kasi yan.

    Maraming uri ng sapatos ang nagkalat sa
    paligid - may school shoes,
    rubber shoes, boots, stYlettos, sandals at kung
    anu-ano pa. Iba't ibang
    style, iba-ibang dekorasyon. At syempre, iba-iba
    din ang presyo. May
    mura, may mahal. Ikaw, pag pumasok ka sa
    opisina, di ba isinusuot mo ang
    mamahalin mong black leather shoes (kung lalaki
    ka) o yung high-heeled
    sandals mo (kung babae ka)? Yun ang isinusuot
    mo dahil yun ang gusto mong
    ipambalandra at ipakita sa iba buong araw.

    Pero at the end o f the day, kapag pagod ka na sa
    maghapong trabaho.habang nasa biyahe ka na pauwi ng
    bahay.ano ba'ng! tatlong bagay ang
    ini-imagine mo'ng gawin? 1.) Magpahinga 2.)
    Kumain ng hapunan at 3.) Magbihis
    ng damit-pambahay at magsuot ng tsinelas.
    Tama, tsinelas!

    Naisuot at naipagyabang mo na ang lahat ng
    magaganda at mamahalin mong
    sapatos. At maaaring marami ka na ring
    napahanga dahil dito. Pero sa
    bandang huli, kapag hindi mo na kailangang
    magbihis ng maganda,
    mag-pretend ng kahit na ano, nasa bahay na lang,
    walang make-up at ikaw ay ikaw
    na lang talaga, di ba't ang simpleng tsinelas pa
    rin ang
    hahanap-hanapin mo? At wala ka nang pakialam
    kung may tatak man ito, mamahalin o may
    kung anu-anong burloloy.basta ang alam mo,
    tsinelas ang gusto mo.

    Sa buhay mo, marami kang makikilalang babae
    at lalake. Maganda, Gwapo,
    Sexy (pang-FHM), Mayaman, Malakas ang dating,
    Hanep ang porma, lahat
    na. Pero sa bandang huli, pareho nating alam na
    hindi yun ang
    pinakamahalagang ingredient ng tunay na
    pagmamahal.
    Kumportable ka ba sa taong
    'to? Does he/she make you feel good about
    yourself? May kakaiba bang
    'warmth' na ibinibigay ang taong 'to, na parang
    nagsasabi sa'yong 'you're
    home and safe at last'? Does this person make
    you happy? Tinatanggap ka
    ba niya kahit 'pambahay' na lang ang hitsura mo?
    Siya ba ang tipo ng
    taong alam mong makikinig kapag nire-report at
    ikinukwento mo na ang mga
    nangyari sa'yo buong araw? Think about it.

    I'd be a lying ******* kapag sinabi kong
    aesthetics do not count. Pero
    ang puso, tumitibok yan sa mga di inaasahang
    pagkakataon. And sometimes
    you wonder about it, and most of the time, you
    even deny it. But deep
    down, you just know, and feel, that it's right.

    Ito ay para sa mga taong nakahanap na, at
    naghahanap pa rin ng tsinelas
    nila. Congratulations at Good Luck!

  • #2
    Let's talk about the hereafter, son.

    Comment


    • #3
      Nice post. It gave me a new perspective on my slippers. I'll never walk the same again.

      Comment


      • #4
        pahiramin mo nga muna ako ng TSINELAS na yan...

        Comment


        • #5
          ako nakahanap na, kaya lang naka-paa ako sa bahay at di nagtsi-tsinelas...

          Comment


          • #6
            kapag naghahanap kayo ng tsinelas...punta kayo kay MANG KULAS

            Comment

            Working...
            X
            TOP