...found at pacland..
An open letter to Manny Pacquiao
Aug.01, 2009 in > Boxing Commentaries | Leave a Comment
http://www.nak-out.com/2009/08/01/an...anny-pacquiao/
Magandang umaga sayo Manny. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at pag-iisip ha**** nalalapit ang nakatakdang laban ninyo ni Ginoong Cotto. Hindi lingid sa kaalaman ng syento porsyenting Pilipino ang inyong nagawa sa larangan ng boksing at sa karangalang inyong naibahagi sa ating bansa kung kayat sa pangalan ng nak-out.com at mga tagasubaybay nito, lubos kaming nagpapasalamat sa patuloy mong pagbibigay karangalan sa ating bansa.
Nitong mga nagdaang araw, hindi batid ng lahat ng inyong mga tagasubaybay na ang nakatakdang laban ninyo ni Ginoong Cotto ay posibleng makansela dahil sa mga bagay na hindi pwedeng mapagkasundu-an, kung kayat ang lahat ay nadismaya sa pabagu-bagong desisyong inilalabas ng inyong kampo. Isa na dito ay ang titulo bilang WBO Welterweight Champion. Ang lahat ay umaasa na ang laban na ito ay magaganap ngunit sa huling ulat ni Ginoong Mark Vester, sinabi umano ni Ginoong Freddie Roach na gusto ninyong makuha ang belt at handa kayong i-urong ang laban kung hindi papayag si Ginoong Cotto.
Mukhang nakalimutan nyo na yata ang inyong sinabi sa inyong kolum
Lubos ang pagkadismaya ng karamihan sa aming mga tagasubaybay sa pabago-bagong desisyong ito kung kayat napagkasunduan naming maglathala ng konting bukas-liham dito sa blog ng aming kaibigang isa sa inyong masugid na tagasubaybay.
Dngal ng ating bansa at ng buong sambahayang Pilipino ang pagkuha ninyo sg isa pang belt ngunit kung ito ay sa pamamagitan ng paraang hindi patas para kay Ginoong Cotto, ito ay magdudulot lamang ng pag-aalinlangan sa tunay na boxing fans hindi lamang sa mga Pinoy kundi sa lahat ng inyong tagasubaybay sa buong mundo.
Batid ng lahat at base na rin sa inyong sinabi sa inyong kolum na “walang belt” o titulong nakataya sa laban ninyo ni Ginoong Cotto kung kayat umaasa kami na matutuloy ang laban. Kung ang magiging desiyon man niyo’y hindi ituloy ang laban dahil nga sa nagbago ang inyong isip, wala kaming magagawa bilang tagasubaybay kundi ang manood na lamang. Ngunit ito ay makakapagbawas lamang ng aming paghanga sa inyo, hindi bilang isang boksungero, kungdi bilang isang taong mag tunay na paninindigan, may isang salita, at higit sa lahat, may tunay na prinsipyo.
Ang pagkakameron ng prinsipyo at isang salita ay isang mahalagang katangian ng isang pangulo ng bayan. At kung kayo man ay wala nito, wala ring isang mabuting pangulo ng bayang manggagaling sa inyong pagkatao..
Hindi ito ang unang pagkakataong kayo ay nakitaan ang pagiging inconsistent sa paggawa ng desisyon at sana at makahanap kayo ng paraang mabago ang inyong decisoon making skills para na rin sa ikabubuti ng inyong career.
Maraming salamat at magandang araw sa iyo.
An open letter to Manny Pacquiao
Aug.01, 2009 in > Boxing Commentaries | Leave a Comment
http://www.nak-out.com/2009/08/01/an...anny-pacquiao/
Magandang umaga sayo Manny. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at pag-iisip ha**** nalalapit ang nakatakdang laban ninyo ni Ginoong Cotto. Hindi lingid sa kaalaman ng syento porsyenting Pilipino ang inyong nagawa sa larangan ng boksing at sa karangalang inyong naibahagi sa ating bansa kung kayat sa pangalan ng nak-out.com at mga tagasubaybay nito, lubos kaming nagpapasalamat sa patuloy mong pagbibigay karangalan sa ating bansa.
Nitong mga nagdaang araw, hindi batid ng lahat ng inyong mga tagasubaybay na ang nakatakdang laban ninyo ni Ginoong Cotto ay posibleng makansela dahil sa mga bagay na hindi pwedeng mapagkasundu-an, kung kayat ang lahat ay nadismaya sa pabagu-bagong desisyong inilalabas ng inyong kampo. Isa na dito ay ang titulo bilang WBO Welterweight Champion. Ang lahat ay umaasa na ang laban na ito ay magaganap ngunit sa huling ulat ni Ginoong Mark Vester, sinabi umano ni Ginoong Freddie Roach na gusto ninyong makuha ang belt at handa kayong i-urong ang laban kung hindi papayag si Ginoong Cotto.
Mukhang nakalimutan nyo na yata ang inyong sinabi sa inyong kolum
Walang championship belt ang napagkasunduan sa laban na ito dahil sa catch weight na 145 pounds, 2 pounds na mas mababa kaysa sa 147 welterweight limit. Pero kahit na walang belt na nakataya, mas mahalaga pa rin na paglalabanan namin ni Cotto ang pagiging No. 1, pound-for-pound at siguradong umaatikabong bakbakan ito, walang takbuhan at walang atrasan o habulan.

Comment