Announcement

Collapse
No announcement yet.

Religion thread

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • great post bro

    Comment


    • Thanks Bro.

      TO Everyone:

      When you ignore the Word of God it simply means na YOU DON'T REALLY CARE AND LOVE GOD dahil wala kang panlasa sa Salita ng Diyos.

      Yes wala kang panlasa o pagmamahal sa Salita Niya at pilit na tinatakpan ang iyong mata o tenga dahil nasasaktan ka o ayaw mong makita o marinig ang katotohanan dahil sa iyong kasalanan,

      Nalalman ng Diyos ang ating kasalanan and it is true that WE ARE TOTALLY DEPRAVE o bagsak, tayo ay marumi.

      But good thing is that GOD'S LOVE AND MERCY IS BIG AND TRUE nauunawaan niya tayo ang ating mga limitasyon at mga problema...

      And the problem is that we don't give time for Him at sisihin pa natin Siya ng kung ano ano kahit tayo ang may kasalanan o problema, nakakalungkot!

      Then others will claim to be Christian daw without knowing kung sino talaga si God and don't know the real meaning of to be a CHRISTIAN or act as it is).

      "Ang pinili o desisyon ng tao ay siyang realidad ng magiging buhay niya at kahit siya pa ay mapahamak o magkamali sa landas na pinili niya"

      Hindi nagkulang ang Diyos sa pagpapaalala at ang mga ginagamit Niya upang ipangaral at malaman mo ang ebanghelyo...

      Hindi rin po malupit ang Diyos at patas Siyang humatol sa kasalanan at ang pagpapatawad Niya ay malawak kung gaano kalayo ang kanluran sa silangan.

      We see those that those SPIRITUAL TRUTH ay totoo namang nangyayari and i urge you guys na ibukas natin ang ating mga puso at MAGING SA IBA NA WALANG WALA,

      "We will all die at yung mga wala pang Kristo sa puso ay hindi alam ang patutunguhan at kasiguraduhan, bawat kasalanan ay may konsekwensya!"

      What matter most here is HOW BIG IS YOUR FAITH TO GOD? Kasama na yung kung anong iiwan mong alaala o halimbawa sa iba na iiwanan mo- sa mga kabataan at susunod na henerasyon...

      I know i am not perfect like you but i thank God that He show me the truth at kung ano ang dapat kong gawin and i know God will guide and take care of me kahit anong mangyari dahil ako ay sa Kanya lamang magtitiwala.

      Maraming salamat po sa pagbabasa at nawa ay maunawaang maigi ang kahalagaan ng pagkilala at paglilingkod sa Diyos bilang MABUTING PINOY AT KRISTIANO LUMALABAN SA KORUPSYON AT IMMORALIDAD!




      To know more about Me... the Truth about the author of this... Pls visit.

      www.simpleman307.blog.com (Use address bar to see).

      Comment


      • Jesus saves!

        Kaibigan isang mensahe para sa iyo, nawa'y basahin mo at pagbulaybulayan.
        Ang buhay sa mundo ay magulo pero may pag-asa pa para sa pagbabago,
        Mahal ka ng Diyos at may rason o purpose kung bakit narito ka sa mundo...
        Nawa'y ibukas mo ang iyong isipan at puso para magsisi at tanggapin si Hesus bilang Panginoon at tanging tagapagligtas.
        Siya lang ang makakapagbago at makakapagligtas sa iyo, ang Bibliya ay gabay sa buhay,
        Nais mong mapaayos ang iyong buhay at ang tunay na kasiyahan at kapayapaan na wala sa mga layaw na pansamantala lang...
        This is not about religion but personal relationship to God and i know this is foolishness to selfish and prideful people.
        DO WHAT IS RIGHT, BE SIMPLE AND CONTENTMENT IN NORMAL LIFE, BE BALANCE TO EVERYTHING,
        Sama- sama tayo upang labanan ang korupsyon at immorality na nagdadala ng kahirapan at sumpa...
        Maging mabuting Filipino at Kristiano TUMAYO SA KATOTOHANAN!

        "Hindi mahirap maglingkod sa Diyos kung iuuna mo lang Siya at malaki ang pag-ibig mo sa Kanya..." -James307 (BAPTIST AND TGP MKS)

        Maraming salamat po sa pagbabasa. Pls. join us too in saving electricity and water for the future,

        http://www.facebook.com/Simplebabyjames

        Visit also our blog: www.lifeanswers.blog.com (use address bar to see)

        www.gotquestions.org if you have question in the Bible.

        and www.facebook.com/kristianongtriskelion


        Also tulungan po natin ang mga nagbabakal, bote at dyaryo sa ating lugar, kung may mga bote, dyaryo o bakal tayo ay atin ng ibigay o ibenta sa kanila, marangal ang kanilang trabaho at dapat natin silang ipagmalaki at tulungan... kasama na ang mga pulubi sa daan na mga bata, matanda ay ating kalingahin at dalhin sa tamang lugar.

        Comment




        • You religious nut jobs crack me up

          Comment


          • bakit ka patay na patay sa biblya eh hindi ka naman kasama biblya..nasaaan sa biblya na binagaggit ang pinoy?


            WALA!

            Comment


            • Originally posted by James307 View Post
              TUNAY NA KRISTIANO O KRISTIANO KUNO?

              *Ang maging tunay na Kristiano ay maging mananampalataya at tagasunod ni Kristo.

              *Subalit hindi lahat ay Kristiano at tunay na Kristiano na sumusunod kay Kristo.

              *Ang tunay na Kristiano ay naligtas sa biyaya ng Diyos sa pananampalataya kay Kristo Hesus.

              *Ngunit may mga nanampalataya daw sa Kanya subalit masama ang kanilang mga bunga.

              *Na ang tunay na Kristiano ay nangangaral at namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

              *Nakakalungkot na maraming dinaya si satanas ng mga relihiyon, tradisyon mali at gawang doktrina ng tao.

              *Ang tunay na Kristiano ay handang tumanggap ng pagkakamali at ituwid ito mula sa Salita ng Diyos.

              *Subalit ang Kristianong mapagmataas na nasa pagkakamali ay ibabagsak ng Diyos.

              -Kaibigan, saan ka sa dalawang ito? Siyasatin mo ang iyong puso at tignan mo ang buhay ng isang tunay at isang bulaang Kristiano.


              MGA MALING BINTANG SA MGA KRISTIANO

              *Na wala daw sa gawa at puro lang pananampalataya?
              Kakain ba siya kung hindi siya gagawa? At Kristiano ba ang hindi nagpapakita nito?

              *Na nagbibigay upang yumaman ang pastor? O palakihin ang gusaling sambaan?
              Ang pagbibigay ay para sa gawain ng Diyos at ito ay kusang loob hindi para sa sarili kundi para sa Diyos.

              *Buhay na walang hanggan na pinanghahawakan ng mga Kristiano na eternal
              Ito ay biblical at pangako ng Diyos lahat at pinapatawad niya ang mga sincere na humiingi para sa unti unting pagbabago.

              *Na may mga hypocrite sa Church?
              Kahit saan ka magtungo mapa skwela o pamahalaan may mga hypocrite.

              *Mga Kristianong bumabagsak sa Kasalanan sinasadya o hindi,
              Walang taong perpekto at hindi nagkakasala, subalit ang mga Kristiano ay pilit lumalakad ayon sa katwiran dahil sa pag- ibig nila sa Diyos.

              *Mga Kristiano na hindi daw rumirespeto sa paniniwala ng iba?
              Ang tanong ay kung ililigtas ng respeto ang kaluluwa ng tao na patungo sa impyerno? Dahil sa kasalanan at kamalian ng paniniwala.

              *Masyadong nagpapakabanal at matuwid?
              Dahil lumalakad ang isang Kristiano sa tama at naayon sa ikabubuti rin nito.

              *Na pagiging stranghero sa mata ng mga hindi Kristiano o iwalay sa mga makasanlibutan.
              Dahil ang isang tunay na Kristiano ay lumalakad sa Spiritu at Katotohanan.

              -Kristiano, nakikita ng Diyos ang mga paglilingkod mo, pagpapakasakit at luha at sa langit gagantimpalaan niya ang pagtatapat mo.

              TUNAY NA KRISTIANO KUMIKILOS

              *Especial ang pagkatawag sa ating mga lingkod at mga anak ng Diyos.

              *Na ating sampalatayanan si Kristo tayo ay pinagkalooban ng eternal na buhay sa langit.

              *Subalit atin nawang ibalita ang pagliligtas ni Hesus sa krus ng kalbaryo sa iba upang sila rin ay tumanggap sa Kanya bilang Panginoon nila at Tagapagligtas.

              *Tayo ay hindi sa sanlibutan kundi tayo sa sa pamilya ng Diyos at mamamayan ng langit.

              *Wag nating sayangin ang pagkakataon na ang panahon at oras ay mahalaga.

              *Sinong isusugo Niya? Sinong magsusuko ng buhay para sa Panginoon?
              Kung hindi ngayon kailan ka pa maglilingkod? Kapag huli na ba ang lahat?

              *Malaki man o maliit na paglilingkod ito ay mahalaga sa Diyos dahil kasama at kaisa ka sa dakilang gawaing ito.

              -Atin nawang gamitin ang opportunidad na makapangaral maging sa internet sa forum o sa chat man, pagka’t kailangan ka nila at ng bawat kapatiran.

              ANG KASALANAN DULOT AY PARUSA

              *Pagsamba sa mga diyus-diyosan- na nagbunga ng sumpa sa bawat lahi at salinlahi.

              *Korupsyon- na nagdulot ng kasiraan at kawalan sa tao.

              *Krimen at kaguluhan- mga pagpatay maging sa mga inosenteng tao at pananakit sa mga tao.

              *Droga, Alak, Sigarilyo at Sugal- mga kalayawan na nakakasira sa kinabukasan ng isang tao.

              *Prostitusyon at Pangangalunya- Bunga ay sirang pamilya at karumihan.
              *Diskriminasyon- na dulot ay hindi pagkakaisa ng mga tao at panghuhusga sa kapwa.

              *Maling Doktrina- Pagkaligaw ng tao at pagkapahamak ng kaluluwa sa impyerno.

              *Laban sa Kalikasan ng tao- ito ay ang pagiging bakla o tomboy na ginagawang lifestyle dahil sa kalayaan subalit mali at sanhi ng ka immoralidad, pag iilusyon at pagkukunwari.

              -Masdan mo ang katotohanan hanggang kailan mag bubulag bulagan? At mag bibingibingihan? Pasama ng pasama ang mga tao at dahil dito kaya siya napapahamak at mahahatulan ayon sa ginawa niya dahil ang Diyos ay matuwid upang humatol.




              MESSAGE FROM:

              *Fundamental and Southern Baptist Church, Born again Christian Churches, Independent Full Gospel Churches in the Philippines, 700 Club Asia, 702 DZAS, Jesus is Lord Movement, Jesus Reigns of UBC 12, RBC Ministry and

              Thank you and God bless you Christians and Non Christian reader and doers.


              hmmm interesting, this is not a religious forum

              Comment


              • Originally posted by punchville View Post
                bakit ka patay na patay sa biblya eh hindi ka naman kasama biblya..nasaaan sa biblya na binagaggit ang pinoy?


                WALA!
                Bakit? basahin mo to para maunawaan mo kung bakit...


                Sa madaling salita, dapat nating basahin ang Bibliya sapagkat ito ay ang Salita ng Diyos para sa atin. Sinasabi sa aklat ng Timoteo 3:16 na ang Bibliya ay may hininga ng Diyos, ito ay ang Salita ng Diyos para sa atin. Napakaraming mga katanungan na itinanong ng mga taong nag-aaral ng pilosopiya at ng iba pang mga tao ang binigyan ng kasagutan ng Diyos sa Bibliya: Ano ba ang kahulugan ng buhay? Saan ba ako nanggaling? Mayroon bang buhay matapos ang kamatayan? Ano ba ang nangyayari matapos ang kamatayan? Papaano ako makakapunta sa langit? Bakit ang mundo ay puno ng kasamaan? Bakit ako nahihirapang gumawa ng mabuti? Bilang karagdagan sa mga malalaking katanungang ito, nagbibigay rin ito ng mga payo sa mga bahagi ng ating buhay kagaya ng: ano ang hahanapin ko sa aking mapapangasawa? Papaano ako magkakaroon ng matagumpay na buhay mag-asawa? Papaano ako magiging isang mabuting kaibigan? Papaano ako magiging mabuting magulang? Ano ba ang tagumpay at papaano ko ito maaabot? Papaano ako magbabago? Ano ba ang mahalaga sa buhay? Papaano ako mabuhay na hindi ko pagsisisihan sa huli? Papaano ko mapapasaya ang Diyos? Papaano ko makukuha ang kapatawaran? Papaano ko mapagtagumpayan ang hindi pantay at masasamang mga pangyayari sa buhay?

                Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya dahil ito ay lubos na mapagkakatiwalaan, walang pagkakamali. Ang Bibliya ay may pagkakaiba sa mga tinatawag na mga “banal” na aklat na hindi naman nagbibigay ng aral subalit nagsasabing, “pagtiwalaan mo ako.” Sa halip, binibigyan tayo ng kakayahan na subukan ito sa pamamagitan ng pagsuri sa daan-daang mga naka-detalyeng propesiya na ginawa nito, sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaraang tala, at sa pamamagitan ng pagsuri sa mga siyentipikong katotohanang iniuugnay rito. Yaong mga nagsasabing ang Bibliya ay mayroong mga pagkakamali ay tinakpan na ang kanilang mga tainga para sa katotohanan. Tinanong minsan ni Hesus kung ano ang mas madaling sabihin, “pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan” o “Tumayo ka, at lumakad.” Pagkatapos ay Kanyang pinatunayan na mayroon Siyang kakayahang magpatawad ng kasalanan (isang bagay na hindi nakikita ng ating mga mata) sa pamamagitan ng pagpagaling sa isang paralitiko (isang bagay na nakikita ng mga yaong nakapalibot sa Kanya). Katulad nito, binigyan tayo ng katiyakan na ang Salita ng Diyos ay totoo kung ang pinag-uusapan nito ay ang espiritwal na bahagi na hindi natin masusuri sa pamamagitan ng pandama, sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang sarili bilang totoo sa mga bagay na ating masusuri (Historikal, siyentipiko at nagpapahiwatig).

                Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya sapagkat hindi nagbabago ang Diyos at dahil ang katangian ng sangkatauhan ay hindi rin nagbabago – ito ay mahalaga para sa atin. Samantalang ang teknolohiya ay nagbabago, ang mga pagnanasa at katangian ng tao ay hindi nagbabago. Matatagpuan mo, habang binabasa mo ang bawat pahina ng Bibliya, na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa mga relasyon sa kapwa o sa mga sosyudad, “walang nagbago sa ilalim ng araw.” At habang ang sangkatauhan ay nagpapatuloy sa paghahanap ng pagmamahal at kasiyahan sa lahat ng mga maling lugar, Ang Diyos, ang ating mabuti at mapagbigay na Tagapaglikha, ay inihayag na sa atin kung ano ang makapagbibigay sa atin ng pangmatagalang kasiyahan. Ang Kanyang mga inihayag na salita, ang Bibliya, ay napakaimportante na sinabi mismo ni Hesus, , "Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Diyos." (Mateo 4:4). Sa madaling salita, kung nais mong magkaroon ng matagumpay na buhay tulad ng layon ng Diyos sa iyo, pakinggan at sundin ang nakasulat na Salita ng Diyos…mas mahalaga pa ito sa pagkain!

                Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya dahil napakaraming mga maling aral o itinuturo. Ang Bibliya ang siyang ating instrumento upang malaman natin kung ano ang tama at ang mali. Itinuturo sa atin ng Bibliya kung ano ang katulad ng Diyos. Kung mali o hindi tama ang ating pagtingin sa Diyos ay tulad na rin ito ng pagsamba sa mga “diyus-diyosan” o “bulaang diyos.” Sinasabi sa atin ng Bibliya kung papaano makapupunta sa langit ang isang tao..at hindi ito sa pamamagitan ng pagiging mabait o sa pamamagitan ng pagpapabautismo, o sa kung anuman na ating ginagawa (Juan 14:6; Efeso 2:1-10; Isaias 53:6; Roma 3:10f., 5:8; 6:23; 10:9-13). Ipinapakita rin sa atin ng Salita ng Diyos kung gaano tayo kamahal ng Diyos (Roma 5:6-8; Isaias 53:1f.). at sa pamamagitan ng pagka-unawa natin dito, tayo ay naaakit na mahalin din ang Diyos (1 Juan 4:19).

                Bibigyan ka ng kakayahan ng Bibliya para pagsilbihan ang Diyos (2 Timoteo 3:17; Efeso 6:17; Hebreo 4:12). Tutulungan ka ng Bibliya na malaman kung paano ka maligtas sa iyong mga kasalanan at sa kaparusahan nito (2 Timoteo 3:15). Ang pagbubulay-bulay at pagsunod sa mga itinuturo ng Bibliya ay magdadala ng katagumpayan sa buhay (Josue 1:8; Santiago 1:25). Tutulungan ka ng Salita ng Diyos na makita ang mga kasalanan mo sa buhay at tutulungan kang talikuran ito (Awit 119:9,11). Gagabayan ka nito sa buhay (Awit 32:8; 119:99; Ka****an 1:6). Tutulungan ka ng Bibliya upang hindi masayang ang maraming taon sa iyong buhay sa mga bagay na hindi magtatagal at walang kabuluhan (Mateo 7:24-27).

                Ang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay makakatulong sa iyo upang makita ang mga pain at masakit na bitag ng mga makasalanang tukso, upang matuto ka sa mga kamalian ng iba sa halip na gawin mo pa ang kamaliang iyon. Ang karanasan ay isang magaling na guro, pero pagdating sa pagkatuto natin mula sa kasalanan, ito ay isang mahigpit na guro. Mas mabuting matuto sa mga kamalian ng iba. Mayroong mga napakaraming karakter sa Bibliya na puwede nating matutunan, kapwa positibo at negatibong mga karakter na puwede nating tularan, kapwa madalas nanggaling sa buhay ng iisang tao subalit magkaibang punto. Halimbawa, si Haring David, ang tagumpay niya laban kay Goliath ay nagtuturo sa atin na ang Diyos ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaysa sa mga bagay na kinakaharap natin (1 Samuel 17). Si David, sa kanyang nagawang kasalanang pakikiapid kay Batsheba, ipinapakita lang dito kung gaano katagal at kalala ang resulta ng isang kasalanan o panandaliang aliw (2 Samuel 11f.). Kung alam natin ang Bibliya ay bibigyan tayo nito ng totoong pag-asa at kapayapaan kung ang lahat ng bagay na nakapalibot sa atin ay parang nagbagsakan na lahat (Roma 15:4; Awit 112:7; Habakkuk 3:17-19).

                Ang Bibliya ay isang libro na hindi lamang binabasa. Ito ay librong dapat pag-aralan upang ito ay magamit sa buhay. Kung hindi, para lang itong paglulon ng pagkain na hindi nginunguya at pagkatapos iluluwa na naman palabas..walang nakukuhang nutrisyon sa ganoong paraan. Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya ay maikukumpara sa pagmimina ng ginto. Kung hindi mo ibubuhos ang iyong buong lakas sa paghahanap maaring ang mahahanap mo lang ay maliit na bahagi ng ginto, subalit kung ibubuhos mo ang iyong lakas at hahanapin mo ito ng mabuti mas malaking pabuya ang mapapasaiyo dahil sa iyong pagsisikap.

                Comment


                • Ang paniniwala ng isang TUNAY NA KRISTIANO


                  I. May Isang Diyos na lumalang, Siya ay Spiritu, Banal at Makapangyarihan, marunong sa lahat na nasa lahat ng dako, siya eternal at Kanyang plinlano lahat ayon sa Kanyang kalooban. (Mga Awit 14:1, Juan 4:24, Roma 1:18-25)


                  II. Ang Bibliya na Salita ng Diyos na mensahe niya sa mga nilalang magmula sa bayang Israel na Kanyang pinili hanggang sa mga mananampalataya, ito ay pagkain ng Spiritu at karunungan mula sa Diyos ayon din sa Kasaysayan. (Marcos 13:31, 2 Kay Timoteo 3:15-17, Hebreo 4:12)


                  III. Ang Diyos na may Tatlong Persona- Ang Ama, Anak at Spiritu Santo na ang Ama na siyang lumikha ang Anak na siyang nagligtas at ang Spiritu Santo na nananahan sa mga tunay na Kristiano. (Mateo 1:19, Mga Taga-Filipos 2:6-10, 1 Juan 5:5


                  IV. Pananampalataya upang maligtas sa biyaya ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng gawa pagka't hindi kayang iligtas ng tao ang kanyang sarili at siya ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos liban na lamang na siya ay maging malinis at maligtas sa pamamagitan ni Hesus Kristo. (Juan 3:16, Epeso 2:8-9)


                  V. Ang Buhay na walang hanggan sa Langit na pangako ng Diyos sa lahat ng tunay na tumanggap, na sila ay maghahari at makakasama niya sa paraiso kung nasaan ang mga Anghel, gintong hindi nasisira na kung saan wala ng paghihirap at pagluha pa. (Juan 1:12, Mga Taga-Efeso 1:13, Kay Tito 1:2)


                  VI. Ang Langit at Impyerno na uuwian ng ating kaluluwa kung mananampalataya ka ni Hesus sa Langit subalit sa mga hindi sumampalataya sa Impyerno ang babagsakan at ang parusa ayon sa kanilang mga ginawa na pang walang hanggan. (Juan 14:2, Pahayag 20:15)


                  VII. Ang Bautismo sa Spiritu at Tubig na ang Bautismo sa Spiritu nung tangappin mo si Hesus ay ikaw ay nahugasan at sa tubig bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagpapahayag mo bilang isang miyembro ng Iglesia. (Juan 1:29-34, Mga gawa 8:37-38, Kay Tito 3:5)


                  VIII. Ang Banal na Hapunan sa pagunita sa kamatayan ni Hesus na ang tinapay simbolo ng Kanyang Katawan at ang Saro na simbolo ng Kanyang Dugo na ganapin ayon sa tinuro niya na ang gaganap nito ay matuwid sa harapan niya. (Lucas 22:7-22, 1 Mga Taga-Corinto 11:17-34)


                  XI. Ang Iglesia na si Kristo ang ulo na ang katawan ay ang mga Mananampalataya ni Hesus na nagtitipon upang sumamba at makasama ang mga kapatiran. (Mga Taga-Efeso 5:23, Mga Taga-Colosas 1:18, Pahayag 22:16)


                  X. Ang Mission upang akayin ang mga naliligaw ng landas patungo kay Hesus ang pagpapalaganap ng Kanyang Salita at pag tatayo ng Iglesia sa lahat ng dako. (Roma 1:14-17)


                  XI. Disiplina sa loob ng Iglesia na dapat na maipakita sa lahat bilang pastor, mangangawa, miyembro ayon sa Kabanalan na nasusulat sa Bibliya at upang maging liwanag sa iba. (1 Mga Taga-Corinto 5:1-5)


                  XII. Ikalawang pagbabalik ni Kristo na magaganap sa lalong madaling panahon kasama ng mga tanda at ayon sa propesiya, na kanyang hahatulan ang mga di sumampalataya para parusahan ayon sa kanilang mga kasalanan na ikalawang kamatayan na magpakailanman, gantimpalaan ang mga tapat at upang makasama ang mga mananampalataya sa paraiso habang buhay. (1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18, Pahayag 20:1-6).

                  -BAPTIST EVANGELICAL PHILIPPINES

                  Comment


                  • Originally posted by James307 View Post
                    Bakit? basahin mo to para maunawaan mo kung bakit...


                    Sa madaling salita, dapat nating basahin ang Bibliya sapagkat ito ay ang Salita ng Diyos para sa atin. Sinasabi sa aklat ng Timoteo 3:16 na ang Bibliya ay may hininga ng Diyos, ito ay ang Salita ng Diyos para sa atin. Napakaraming mga katanungan na itinanong ng mga taong nag-aaral ng pilosopiya at ng iba pang mga tao ang binigyan ng kasagutan ng Diyos sa Bibliya: Ano ba ang kahulugan ng buhay? Saan ba ako nanggaling? Mayroon bang buhay matapos ang kamatayan? Ano ba ang nangyayari matapos ang kamatayan? Papaano ako makakapunta sa langit? Bakit ang mundo ay puno ng kasamaan? Bakit ako nahihirapang gumawa ng mabuti? Bilang karagdagan sa mga malalaking katanungang ito, nagbibigay rin ito ng mga payo sa mga bahagi ng ating buhay kagaya ng: ano ang hahanapin ko sa aking mapapangasawa? Papaano ako magkakaroon ng matagumpay na buhay mag-asawa? Papaano ako magiging isang mabuting kaibigan? Papaano ako magiging mabuting magulang? Ano ba ang tagumpay at papaano ko ito maaabot? Papaano ako magbabago? Ano ba ang mahalaga sa buhay? Papaano ako mabuhay na hindi ko pagsisisihan sa huli? Papaano ko mapapasaya ang Diyos? Papaano ko makukuha ang kapatawaran? Papaano ko mapagtagumpayan ang hindi pantay at masasamang mga pangyayari sa buhay?

                    Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya dahil ito ay lubos na mapagkakatiwalaan, walang pagkakamali. Ang Bibliya ay may pagkakaiba sa mga tinatawag na mga “banal” na aklat na hindi naman nagbibigay ng aral subalit nagsasabing, “pagtiwalaan mo ako.” Sa halip, binibigyan tayo ng kakayahan na subukan ito sa pamamagitan ng pagsuri sa daan-daang mga naka-detalyeng propesiya na ginawa nito, sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaraang tala, at sa pamamagitan ng pagsuri sa mga siyentipikong katotohanang iniuugnay rito. Yaong mga nagsasabing ang Bibliya ay mayroong mga pagkakamali ay tinakpan na ang kanilang mga tainga para sa katotohanan. Tinanong minsan ni Hesus kung ano ang mas madaling sabihin, “pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan” o “Tumayo ka, at lumakad.” Pagkatapos ay Kanyang pinatunayan na mayroon Siyang kakayahang magpatawad ng kasalanan (isang bagay na hindi nakikita ng ating mga mata) sa pamamagitan ng pagpagaling sa isang paralitiko (isang bagay na nakikita ng mga yaong nakapalibot sa Kanya). Katulad nito, binigyan tayo ng katiyakan na ang Salita ng Diyos ay totoo kung ang pinag-uusapan nito ay ang espiritwal na bahagi na hindi natin masusuri sa pamamagitan ng pandama, sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang sarili bilang totoo sa mga bagay na ating masusuri (Historikal, siyentipiko at nagpapahiwatig).

                    Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya sapagkat hindi nagbabago ang Diyos at dahil ang katangian ng sangkatauhan ay hindi rin nagbabago – ito ay mahalaga para sa atin. Samantalang ang teknolohiya ay nagbabago, ang mga pagnanasa at katangian ng tao ay hindi nagbabago. Matatagpuan mo, habang binabasa mo ang bawat pahina ng Bibliya, na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa mga relasyon sa kapwa o sa mga sosyudad, “walang nagbago sa ilalim ng araw.” At habang ang sangkatauhan ay nagpapatuloy sa paghahanap ng pagmamahal at kasiyahan sa lahat ng mga maling lugar, Ang Diyos, ang ating mabuti at mapagbigay na Tagapaglikha, ay inihayag na sa atin kung ano ang makapagbibigay sa atin ng pangmatagalang kasiyahan. Ang Kanyang mga inihayag na salita, ang Bibliya, ay napakaimportante na sinabi mismo ni Hesus, , "Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Diyos." (Mateo 4:4). Sa madaling salita, kung nais mong magkaroon ng matagumpay na buhay tulad ng layon ng Diyos sa iyo, pakinggan at sundin ang nakasulat na Salita ng Diyos…mas mahalaga pa ito sa pagkain!

                    Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya dahil napakaraming mga maling aral o itinuturo. Ang Bibliya ang siyang ating instrumento upang malaman natin kung ano ang tama at ang mali. Itinuturo sa atin ng Bibliya kung ano ang katulad ng Diyos. Kung mali o hindi tama ang ating pagtingin sa Diyos ay tulad na rin ito ng pagsamba sa mga “diyus-diyosan” o “bulaang diyos.” Sinasabi sa atin ng Bibliya kung papaano makapupunta sa langit ang isang tao..at hindi ito sa pamamagitan ng pagiging mabait o sa pamamagitan ng pagpapabautismo, o sa kung anuman na ating ginagawa (Juan 14:6; Efeso 2:1-10; Isaias 53:6; Roma 3:10f., 5:8; 6:23; 10:9-13). Ipinapakita rin sa atin ng Salita ng Diyos kung gaano tayo kamahal ng Diyos (Roma 5:6-8; Isaias 53:1f.). at sa pamamagitan ng pagka-unawa natin dito, tayo ay naaakit na mahalin din ang Diyos (1 Juan 4:19).

                    Bibigyan ka ng kakayahan ng Bibliya para pagsilbihan ang Diyos (2 Timoteo 3:17; Efeso 6:17; Hebreo 4:12). Tutulungan ka ng Bibliya na malaman kung paano ka maligtas sa iyong mga kasalanan at sa kaparusahan nito (2 Timoteo 3:15). Ang pagbubulay-bulay at pagsunod sa mga itinuturo ng Bibliya ay magdadala ng katagumpayan sa buhay (Josue 1:8; Santiago 1:25). Tutulungan ka ng Salita ng Diyos na makita ang mga kasalanan mo sa buhay at tutulungan kang talikuran ito (Awit 119:9,11). Gagabayan ka nito sa buhay (Awit 32:8; 119:99; Ka****an 1:6). Tutulungan ka ng Bibliya upang hindi masayang ang maraming taon sa iyong buhay sa mga bagay na hindi magtatagal at walang kabuluhan (Mateo 7:24-27).

                    Ang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay makakatulong sa iyo upang makita ang mga pain at masakit na bitag ng mga makasalanang tukso, upang matuto ka sa mga kamalian ng iba sa halip na gawin mo pa ang kamaliang iyon. Ang karanasan ay isang magaling na guro, pero pagdating sa pagkatuto natin mula sa kasalanan, ito ay isang mahigpit na guro. Mas mabuting matuto sa mga kamalian ng iba. Mayroong mga napakaraming karakter sa Bibliya na puwede nating matutunan, kapwa positibo at negatibong mga karakter na puwede nating tularan, kapwa madalas nanggaling sa buhay ng iisang tao subalit magkaibang punto. Halimbawa, si Haring David, ang tagumpay niya laban kay Goliath ay nagtuturo sa atin na ang Diyos ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaysa sa mga bagay na kinakaharap natin (1 Samuel 17). Si David, sa kanyang nagawang kasalanang pakikiapid kay Batsheba, ipinapakita lang dito kung gaano katagal at kalala ang resulta ng isang kasalanan o panandaliang aliw (2 Samuel 11f.). Kung alam natin ang Bibliya ay bibigyan tayo nito ng totoong pag-asa at kapayapaan kung ang lahat ng bagay na nakapalibot sa atin ay parang nagbagsakan na lahat (Roma 15:4; Awit 112:7; Habakkuk 3:17-19).

                    Ang Bibliya ay isang libro na hindi lamang binabasa. Ito ay librong dapat pag-aralan upang ito ay magamit sa buhay. Kung hindi, para lang itong paglulon ng pagkain na hindi nginunguya at pagkatapos iluluwa na naman palabas..walang nakukuhang nutrisyon sa ganoong paraan. Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya ay maikukumpara sa pagmimina ng ginto. Kung hindi mo ibubuhos ang iyong buong lakas sa paghahanap maaring ang mahahanap mo lang ay maliit na bahagi ng ginto, subalit kung ibubuhos mo ang iyong lakas at hahanapin mo ito ng mabuti mas malaking pabuya ang mapapasaiyo dahil sa iyong pagsisikap.
                    paaano nga kung di ako naniniwala sa biblya at ito ay sulat lang ng tao katulad ng sulat ng mga sikat na writer tulad nila shakespere o kaya pilosopo na tulad nila aristotle?...ano ang PROOF mo na ang biblya ay ang syang ultimate GUIDELINE ng kung paaano mamuhay ang mga tao?

                    Comment


                    • paaano nga kung di ako naniniwala sa biblya at ito ay sulat lang ng tao katulad ng sulat ng mga sikat na writer tulad nila shakespere o kaya pilosopo na tulad nila aristotle?...ano ang PROOF mo na ang biblya ay ang syang ultimate GUIDELINE ng kung paaano mamuhay ang mga tao?
                      Paano kung di ka naniniwala rito? simple lang. ignorante ka sa katotohanan, ignorante ka patungkol sa kasaysayan ng Israel, ignorante ka patungkol sa kasaysayan ng mga Kristiano, Bible is different than any other book it has full of answer at gabay ito sa buhay ng tao at kaligtasan, why not read it and see to it kung anong nasusulat rito.

                      Comment

                      Working...
                      X
                      TOP