Announcement

Collapse
No announcement yet.

Religion thread

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • "Bakit natin kailangang basahin ang Bibliya/pag-aralan ang Bibliya?"

    Sagot: Sa madaling salita, dapat nating basahin ang Bibliya sapagkat ito ay ang Salita ng Diyos para sa atin. Sinasabi sa aklat ng Timoteo 3:16 na ang Bibliya ay may hininga ng Diyos, ito ay ang Salita ng Diyos para sa atin. Napakaraming mga katanungan na itinanong ng mga taong nag-aaral ng pilosopiya at ng iba pang mga tao ang binigyan ng kasagutan ng Diyos sa Bibliya: Ano ba ang kahulugan ng buhay? Saan ba ako nanggaling? Mayroon bang buhay matapos ang kamatayan? Ano ba ang nangyayari matapos ang kamatayan? Papaano ako makakapunta sa langit? Bakit ang mundo ay puno ng kasamaan? Bakit ako nahihirapang gumawa ng mabuti? Bilang karagdagan sa mga malalaking katanungang ito, nagbibigay rin ito ng mga payo sa mga bahagi ng ating buhay kagaya ng: ano ang hahanapin ko sa aking mapapangasawa? Papaano ako magkakaroon ng matagumpay na buhay mag-asawa? Papaano ako magiging isang mabuting kaibigan? Papaano ako magiging mabuting magulang? Ano ba ang tagumpay at papaano ko ito maaabot? Papaano ako magbabago? Ano ba ang mahalaga sa buhay? Papaano ako mabuhay na hindi ko pagsisisihan sa huli? Papaano ko mapapasaya ang Diyos? Papaano ko makukuha ang kapatawaran? Papaano ko mapagtagumpayan ang hindi pantay at masasamang mga pangyayari sa buhay?

    Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya dahil ito ay lubos na mapagkakatiwalaan, walang pagkakamali. Ang Bibliya ay may pagkakaiba sa mga tinatawag na mga “banal” na aklat na hindi naman nagbibigay ng aral subalit nagsasabing, “pagtiwalaan mo ako.” Sa halip, binibigyan tayo ng kakayahan na subukan ito sa pamamagitan ng pagsuri sa daan-daang mga naka-detalyeng propesiya na ginawa nito, sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakaraang tala, at sa pamamagitan ng pagsuri sa mga siyentipikong katotohanang iniuugnay rito. Yaong mga nagsasabing ang Bibliya ay mayroong mga pagkakamali ay tinakpan na ang kanilang mga tainga para sa katotohanan. Tinanong minsan ni Hesus kung ano ang mas madaling sabihin, “pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan” o “Tumayo ka, at lumakad.” Pagkatapos ay Kanyang pinatunayan na mayroon Siyang kakayahang magpatawad ng kasalanan (isang bagay na hindi nakikita ng ating mga mata) sa pamamagitan ng pagpagaling sa isang paralitiko (isang bagay na nakikita ng mga yaong nakapalibot sa Kanya). Katulad nito, binigyan tayo ng katiyakan na ang Salita ng Diyos ay totoo kung ang pinag-uusapan nito ay ang espiritwal na bahagi na hindi natin masusuri sa pamamagitan ng pandama, sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang sarili bilang totoo sa mga bagay na ating masusuri (Historikal, siyentipiko at nagpapahiwatig).

    Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya sapagkat hindi nagbabago ang Diyos at dahil ang katangian ng sangkatauhan ay hindi rin nagbabago – ito ay mahalaga para sa atin. Samantalang ang teknolohiya ay nagbabago, ang mga pagnanasa at katangian ng tao ay hindi nagbabago. Matatagpuan mo, habang binabasa mo ang bawat pahina ng Bibliya, na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa mga relasyon sa kapwa o sa mga sosyudad, “walang nagbago sa ilalim ng araw.” At habang ang sangkatauhan ay nagpapatuloy sa paghahanap ng pagmamahal at kasiyahan sa lahat ng mga maling lugar, Ang Diyos, ang ating mabuti at mapagbigay na Tagapaglikha, ay inihayag na sa atin kung ano ang makapagbibigay sa atin ng pangmatagalang kasiyahan. Ang Kanyang mga inihayag na salita, ang Bibliya, ay napakaimportante na sinabi mismo ni Hesus, , "Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Diyos." (Mateo 4:4). Sa madaling salita, kung nais mong magkaroon ng matagumpay na buhay tulad ng layon ng Diyos sa iyo, pakinggan at sundin ang nakasulat na Salita ng Diyos…mas mahalaga pa ito sa pagkain!

    Dapat nating basahin at pag-aralan ang Bibliya dahil napakaraming mga maling aral o itinuturo. Ang Bibliya ang siyang ating instrumento upang malaman natin kung ano ang tama at ang mali. Itinuturo sa atin ng Bibliya kung ano ang katulad ng Diyos. Kung mali o hindi tama ang ating pagtingin sa Diyos ay tulad na rin ito ng pagsamba sa mga “diyus-diyosan” o “bulaang diyos.” Sinasabi sa atin ng Bibliya kung papaano makapupunta sa langit ang isang tao..at hindi ito sa pamamagitan ng pagiging mabait o sa pamamagitan ng pagpapabautismo, o sa kung anuman na ating ginagawa (Juan 14:6; Efeso 2:1-10; Isaias 53:6; Roma 3:10f., 5:8; 6:23; 10:9-13). Ipinapakita rin sa atin ng Salita ng Diyos kung gaano tayo kamahal ng Diyos (Roma 5:6-8; Isaias 53:1f.). at sa pamamagitan ng pagka-unawa natin dito, tayo ay naaakit na mahalin din ang Diyos (1 Juan 4:19).

    Bibigyan ka ng kakayahan ng Bibliya para pagsilbihan ang Diyos (2 Timoteo 3:17; Efeso 6:17; Hebreo 4:12). Tutulungan ka ng Bibliya na malaman kung paano ka maligtas sa iyong mga kasalanan at sa kaparusahan nito (2 Timoteo 3:15). Ang pagbubulay-bulay at pagsunod sa mga itinuturo ng Bibliya ay magdadala ng katagumpayan sa buhay (Josue 1:8; Santiago 1:25). Tutulungan ka ng Salita ng Diyos na makita ang mga kasalanan mo sa buhay at tutulungan kang talikuran ito (Awit 119:9,11). Gagabayan ka nito sa buhay (Awit 32:8; 119:99; Ka****an 1:6). Tutulungan ka ng Bibliya upang hindi masayang ang maraming taon sa iyong buhay sa mga bagay na hindi magtatagal at walang kabuluhan (Mateo 7:24-27).

    Ang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay makakatulong sa iyo upang makita ang mga pain at masakit na bitag ng mga makasalanang tukso, upang matuto ka sa mga kamalian ng iba sa halip na gawin mo pa ang kamaliang iyon. Ang karanasan ay isang magaling na guro, pero pagdating sa pagkatuto natin mula sa kasalanan, ito ay isang mahigpit na guro. Mas mabuting matuto sa mga kamalian ng iba. Mayroong mga napakaraming karakter sa Bibliya na puwede nating matutunan, kapwa positibo at negatibong mga karakter na puwede nating tularan, kapwa madalas nanggaling sa buhay ng iisang tao subalit magkaibang punto. Halimbawa, si Haring David, ang tagumpay niya laban kay Goliath ay nagtuturo sa atin na ang Diyos ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaysa sa mga bagay na kinakaharap natin (1 Samuel 17). Si David, sa kanyang nagawang kasalanang pakikiapid kay Batsheba, ipinapakita lang dito kung gaano katagal at kalala ang resulta ng isang kasalanan o panandaliang aliw (2 Samuel 11f.). Kung alam natin ang Bibliya ay bibigyan tayo nito ng totoong pag-asa at kapayapaan kung ang lahat ng bagay na nakapalibot sa atin ay parang nagbagsakan na lahat (Roma 15:4; Awit 112:7; Habakkuk 3:17-19).

    Ang Bibliya ay isang libro na hindi lamang binabasa. Ito ay librong dapat pag-aralan upang ito ay magamit sa buhay. Kung hindi, para lang itong paglulon ng pagkain na hindi nginunguya at pagkatapos iluluwa na naman palabas..walang nakukuhang nutrisyon sa ganoong paraan. Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya ay maikukumpara sa pagmimina ng ginto. Kung hindi mo ibubuhos ang iyong buong lakas sa paghahanap maaring ang mahahanap mo lang ay maliit na bahagi ng ginto, subalit kung ibubuhos mo ang iyong lakas at hahanapin mo ito ng mabuti mas malaking pabuya ang mapapasaiyo dahil sa iyong pagsisikap.

    http://www.gotquestions.org/Tagalog/...n-Bibliya.html

    Comment


    • Prepare for the worst, prepare for war!

      Prepare for the worst, prepare for war!

      As it is we will all face it and expect that it will surely happens today or in the future, we can’t stop when it comes and people… yes. I know your thinking about China it’s aggressiveness to claim our island, thank God that US is with us, WE MUST BE AWARE IN THIS WAKE UP CALL, be ready for the worst to whatever happens, the days are approaching (World War 3 as it is prophecies may come soon), high tension as North Korea threaten war with South Korea, the tension between Israel and Iran, plus the nuclear world power contest to each other including Russia and Rising India, let us not ignore it cause we can’t escape from it when it happens it’s effect… let us pray to God that we for His protection and forgiveness (spare us from this crisis and the calamities like earthquake and tsunami).

      Tayo ay sama-sama sa patuloy pagpapa- unlad ng ating bansa at pagpapalakas ng depensa, ang pag resolba sa pagtaas ng gasolina at pagtitipid at paglinang sa elektrisidad, tubig at pangangalaga sa kapaligran, pagbibigay ng maraming trabaho, pag invite sa mga investors at pagpapabuti ng edukasyon at kalusugan, mga inprastraktura… WAG MABUHAY SA LAYAW KUNDI TULUNGAN NATIN ANG ATING KAPWA, labanan ang korupsyon at immoralidad na nagdadala ng kahirapan sa bansa. Faith in God; serving People!
      Marami tayong hinanakit at ayaw natin ang sistema sa pinas PERO SA HULI TAYO TAYO PA RIN ANG MAGTATANGOL RITO… GAANO MO BA KAMAHAL ANG ATING BAYAN?

      -CHRISTIAN CONSERVATIVE PARTY PH (NATIONALIST).

      Comment


      • RUSSIA, CHINA, NORTH KOREA AND IRAN WILL SURELY SUFFER... Ready to die for my country! Hail to US and PH ties unite with their allies Europeans, South Korea, Israel, Japan, Taiwan, Singapore, South East Asian Nations, India Etc. God bless the good nations, down to communism and terrorism!!!

        OT:

        Hail to the decision of the supreme court sa hacienda luisita na ipamahagi na ang lupain sa mga magsasaka.

        Comment


        • *How important is Jesus to you?*

          "Jesus who died para sa iyo(The Lord and Savior), gaano ba Siya kahalaga sa iyo? kaya mo bang iwan lahat para sa Kanya? o hanggang salita nalang tayo?"

          Today most people give important to self and lifestyle making Jesus, faith and His Word secondary or last (labeling it as religion and not very important to be prioritize).

          Nakakalungkot na kapag pinag- uusapan ang mga ito ang mga suppose Christians are compromising their faith… magiging mabigat pa sa kanila ito at sasabihing ito ay panakot lang sa tao o pagbabanal-banalan (Esp. talking about Gospel and judgment)

          That we should not ignore God’s just punishment, in every thing we do there is consequence; wag nating sabihin kasi ganito o ganyan na mga personal opinyon lamang o drama.

          This is God’s calling and warning you know to yourself na guilty ka why you react and mix things na hindi konektado (cause you lack of understanding sa kanyang Salita)…

          A true believer of Jesus Christ are matured enough to accept this and responsible in different issues, maging nangyayari sa paligid…

          And other were insisting at napapasunod ng mga di naman naniniwala sa Diyos at umaatake sa mga lingkod ng Diyos “hindi sila tumanggap at pinipigilan pa ang mga nais tumanggap at nais makaalam).

          Walang pinagkaiba sa panahon ng mga propeta, apostol at sa pangangaral ni Hesus (tumuligsa ang mga di naman nakakakilala sa Diyos at mga kulto).

          This forum should be place fo learning pero may makikitang mga pilosopo at maninira o manlilibak na pinag iisipan ang mga sinasabi (They profess to to be intelligent but they are fool),

          Hope na sa nagmamahal sa Diyos ay magising at maisip na tayo nilikha w/ purpose hindi para sa ating pansarili lamang dahil hindi tayo nilikha.

          Matthew 15:8

          8This people draweth nigh unto me with their mouth, and honoureth me with their lips; but their heart is far from me.

          Mga Taga-Efeso 4:18

          18Ang kanilang pang-unawa ay nadidimlan, mga napahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso.

          (If mahalaga Siya sa iyo then let us tell Him to others... with faith at hindi napipilitan lang... show how much you love God and STAND ON THE TRUTH)

          Comment


          • Nagpapatuloy ako dahil sa Panginoong Diyos, ang pamilya, ang iglesia at mga taong nagmamahal sa akin ay ang mga rason ko at lakas… kahit na marami akong pagkukulang at kasalanan patuloy ako ay nagsisisi at nais na mabago ng tuluyan, at anumang oras ay nakahanda ako maging sa kamatayan man dahil si Hesus ay nasa puso ko at hindi ako matatakot sa anong pwedeng mangyari o gawin ng kaaway… ang mamatay para sa Diyos at Bayan ay dakilang pag ibig at paglilingkod kaya ako'y handa na kung anuman ang mangyari…

            Comment


            • Originally posted by James307 View Post
              Paano kung di ka naniniwala rito? simple lang. ignorante ka sa katotohanan, ignorante ka patungkol sa kasaysayan ng Israel, ignorante ka patungkol sa kasaysayan ng mga Kristiano, Bible is different than any other book it has full of answer at gabay ito sa buhay ng tao at kaligtasan, why not read it and see to it kung anong nasusulat rito.
              sya ba ang ignorante oh ikaw? alam mo ba na si hitler at ang kanyang mga tauhan ay mga kristiyano..ngayon, sabihin mo nga kung meron pang mas masamang tao kesa yung mga yun.

              at ang tinatanong ni punchville eh kung ano ang proof mo na ang bibliya ang dapat na basehan kung paano mamuhay ang mga tao. eh wala ka namang masagot kundi pang- iinsulto..

              eh sa kaso mo nga lang na naniniwala sa trinity , wala ka ng basehan eh khait pa gamit ang bibilya, sa mga mas complicadong mga tanong pa kaya , masasagot mo? i doubt that.

              payo lang sayo kapatid, huwag kang subo ng subo sa mga sinasabi ng pastor nyo , think for yourself...hindi porke, sinabi nyang mali, eh mali kaagad o kung tama eh tama kaagad..alamin mo muna kung bakit...

              at maraming interpretasyong ang biblya, kelangan marunong ka ring magpaliwanag ng sayo...

              Comment


              • Originally posted by James307 View Post
                RUSSIA, CHINA, NORTH KOREA AND IRAN WILL SURELY SUFFER... Ready to die for my country! Hail to US and PH ties unite with their allies Europeans, South Korea, Israel, Japan, Taiwan, Singapore, South East Asian Nations, India Etc. God bless the good nations, down to communism and terrorism!!!

                OT:

                Hail to the decision of the supreme court sa hacienda luisita na ipamahagi na ang lupain sa mga magsasaka.
                kristiyano ka nga..isa sa mga ra***al na kristiyano .. kahit sa mga pinipreach mo , wala kang clue...

                kahit ang politcal views mo, tipikal na ignorante..sinasabi mo lang na mali ang cummunismo dahil yun ang itinuro sayo mula pagkabata, ngunit ang totoo hindi mo alam kung bakit.. yung ang mali , subo ng subo kahit tae na ang ihinahain..

                sa mg 3world countires, ano ba ang laging nakikita nating pangunahing problema? mga mahihirap hindi kayang ipaospital yung mahal nila sa buhay, hindi kayang pag aralin ang kanilang mga anak, hindi kayang pakainin ang ang kanilang pamilya 3 bese sa isang araw..

                dito ngayon makakatulong ang communismo dahil ang isa sa mga layunin neto ay ang equal na karapatan at pagkaparte parte kung ano ang meron...mapapaospital ang kahit sino,makakapagaral kahit sino, makakakain ng mabuti ang lahat... hindi ko sinasabi na pabor ako sa cummunismo pero eto ay para sa kabutihan ng nakararami kung nasusunod ang original na desenyo..

                Comment


                • Why not read my post to understand who i am refering to... the question is TUNAY NGA BANG KRISTIANO? they can claim to be Christian pero makikita mo kung sino ang tunay na tumanggap kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas by His fruit.

                  anong pang insulto na sinasabi mo? i already post my the answer and explanation about Bible? anong expect mo sasagot ako ng panghuhula? better to ready my post bago mo sabihing ininsulto ko siya o rather hindi mo nauunawaan ang sinabi at bigla ka nalang nag rereact para sa kanya.

                  you know nothing about my faith, you speak like judgmental and i doubt to na may alam ka sa sinasabi ng Bibliya rather you doubt to it and contradict it...

                  why not ask proper question para mapag usapan natin hindi yung bigla ka nalang susulpot na kala mo kung sino at magsasalita ng kung ano ano.

                  see your judging me without knowing me... i study all that i believe hindi ako tanggap lang ng tanggap, the Bible is proven many times in the history and fact tingin ko you need to research about sinong ng iinsulto ngayon sa mga sinasabi mo?

                  oo maraming interpretasyon sa Bibliya at mga kulto na wala kay Kristo ay iba iba ang pagtingin ukol dito... dahil wala sa kanila ang banal na Spiritu.

                  simple lang hindi sila mga tunay na mananampalataya ni Hesus.

                  Comment


                  • ano daw?, anong pinagsasabi mong clue? nahihibang ka na ata?

                    ikaw ang ignorante na husga ng husga na wala namang alam sa taong hinuhusgaan, sa Salita ng Diyos o sa katotohanan sa kasaysayan.

                    maraming rason kung bakit mali ang komunismo hindi dahil yun ang tinuro sa akin sa pagkabata kung makikita mas tinanggap ng west at ng maraming bansa ang mag democratic na pamamahala kasama na rito ang sistema at ang kalayaan na maniwala sa Diyos.

                    maraming rason ang kahirapan ng tao isa na rito ang kasalanan at korupsyon hindi yun kasalanan ng sistema kundi kasalanan at pagkukulang ng mga tao pero mahalaga ang kalayaan at equality dahil mararanasan mo ang kumpletong buhay ng pagiging tao kahit maraming pagsubok at problema yun ay normal lamang at bawat problema may sulusyon... nawawalan ka na ba ng pag-asa?

                    as i see your supporting communism... in the bigger picture the communism fall in 1989 that is the real picture of it... you say that but the reality look at Russia, China, North Korea... they have the spirit and whole of it but their progress are false... mababang rank sa human rights, isolated na bansa... walang kalayaan... aanhin mo pa ang progreso kung wala kang karapatan sa maraming bagay?

                    ang ating bansa ay natulungan na ng America at maraming bansa pero dahil sa korupsyon kaya nagpahirap ito sa bansa... dahil na rin sa kakulangan ng tao hindi sa open na sistema na meron ang maraming bansa... ang vietnam at myanmar ay nagising na sa katotohanan.

                    Comment


                    • Matuto tayo sa talinghagang ito makikita natin rin ang iba't ibang uri ng tao at ang Salita ng Diyos na natanim sa Kanila...

                      Marcos 4

                      Ang Talinghaga Patungkol sa Manghahasik

                      4 Nagsimula muling magturo si Jesus sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao, kayat siya ay sumakay at umupo sa bangka na nasa lawa. Ang karamihan naman ay nasa lupa sa tabi ng lawa. 2 Tinuruan niya sila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sa kaniyang pagtuturo, sinabi niya sa kanila: 3 Makinig kayo! Narito, lumabas ang manghahasik upang maghasik. 4 Nangyari na sa kaniyang paghahasik may binhing nalaglag sa tabi ng daan. At dumating ang mga ibon mula sa langit at tinuka at inubos ang binhi. 5 Ang iba ay nalaglag sa lupang mabato na walang gaanong lupa at ito ay kaagad na sumibol sapagkat hindi malalim ang lupa. 6 Ngunit nang sumikat ang araw, ito ay nalanta at dahil ito ay walang mga ugat, ito ay natuyo. 7 May binhi namang nalaglag sa dawagan. Lumago ang mga dawag at nasiksik ito kaya hindi namunga. 8 Ang iba ay nalaglag sa matabang lupa. Ito ay tumubo, lumago at namunga. May namunga ng tatlumpu, may namunga naman ng animnapu at may namunga ng isangdaan.
                      9 Sinabi niya sa kanila: Ang may pandinig ay makinig.
                      10 Nang nag-iisa na si Jesus, ang mga nasa palibot niya, kasama ang labindalawang alagad ay nagtanong sa kaniya patungkol sa talinghaga. 11 Sinabi niya sa kanila: Ang makaalam ng hiwaga ng paghahari ng Diyos ay ibinigay sa inyo. Ngunit sa kanila na nasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa talinghaga. 12 Ginawa ko ito sa ganitong paraan upang:

                      Sa pagtingin, sila ay makakakita ngunit hindi
                      makakatalos. Sa pakikinig, sila ay makakarinig
                      ngunit hindi makakaunawa. Kung hindi gayon,
                      sila ay manunumbalik at ang kanilang mga
                      kasalanan ay mapapatawad.


                      13 At sinabi niya sa kanila: Hindi ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano nga ninyo malalaman ang lahat ng talinghaga? 14 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita. 15 Ang binhing nahasik sa daan ay ang inihasik na salita. Nang ito ay napakinggan ng tao, agad na dumating si Satanas at kinuha ang naihasik na salita sa kanilang mga puso. 16 Gayundin yaong naihasik sa batuhan. Nang marinig nila ang salita agad nila itong tinanggap na may galak. 17 Dahil walang ugat sa kanilang sarili, ang mga ito ay pansamantalang nanatili. Nang dumating ang paghihirap at pag-uusig dahil sa salita, kaagad silang natisod. 18 Iyon namang naihasik sa dawagan ay yaong mga nakakarinig ng salita. 19 Ang pagsusumakit sa kapanahunang ito, ang pandaraya ng kayamanan at ang mahigpit na paghahangad sa ibang mga bagay ay pumasok sa kanila. Ang mga ito ang sumiksik sa salita at naging sanhi ng hindi pagbubunga. 20 Iyon namang naihasik sa matabang lupa, sila ang nakikinig at tumatanggap sa salita. Sila ay nagbubunga, ang isa ay tatlumpu, ang isa ay animnapu at ang isa ay isangdaan.

                      Mateo 16:24-25

                      25 Ito ay sapagkat ang sinumang ibig magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay makakasumpong nito.

                      OO MAHIRAP SUMUNOD SA KANYA KUNG MAS PINAPAHALAGAHAN NATIN ANG MGA BAGAY SA SARILI NATIN, PERO ANG NAGMAMAHAL SA KANYA AY MASAYA AT MADALING MAKASUSUNOD SA PANGINOON.

                      thanks to www.biblegateway.co m for Online Bible Passage

                      visit www.gotquestions.org/tagalog for more Bible answers.

                      Comment

                      Working...
                      X
                      TOP