Announcement

Collapse
No announcement yet.

>>BUGTUNG-BUGTONG THREAD<<<

Collapse
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • #11
    Originally posted by nadz
    cno ako? asan ako? anong ginagawa ko dito?
    YAN ANG MAHIRAP SAGUTIN NA BUGTONG!

    Comment


    • #12
      Originally posted by magicjordan
      YAN ANG MAHIRAP SAGUTIN NA BUGTONG!
      lol hehehe langya napakarami non

      Comment


      • #13
        Originally posted by jabin View Post
        Siguro saranggola.

        Eto ang mas marami, para mag-enjoy ka.

        No Mga Bugtong Sagot Komento
        1 Isda ko sa mariveles nasa loob ang kaliskis
        2 iisa ang ulo, ang mukha ay lima
        3 Maliit pa si Neneng marunong nang manahi
        4 Nagsaing si Kang Pirit, Kinain pati anglit.
        5 Hayan na hayan na hindi ko pa nakikita hangin
        6 Baboy ko sa Mariveles,Balahibo’y matutulis.
        7 Limang magkakapatid, tig-iisa ang silid.
        8 Isang bayabas pito ang butas
        9 Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.
        10 Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
        11 Malayo ka pa'y kinakawayan ka na
        12 Hayop na parang tao, mahilig lumukso.
        13 Hindi tao, hindi hayop, pasa-pasa ang balat.
        14 Dumaan si Tarzan nagiba ang daan
        15 Balat niya’y berde, buto niya’y itim, laman niya’y pula, sino siya?
        16 Isang Prinsesa nakaupo sa tasa
        17 Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato
        18 Isang prinsessa, hila-hila ang saya.
        19 Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
        20 Dahong pinagbungahan, Bungang pinagdahunan.
        21 Binuksan ko ang kurtina, Lumabas ang prinsesa.
        22 Ako'y may alipin, mataas pa sa akin
        23 Kung tawagin nila’y santo, hindi naman milagroso.
        24 Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay.
        25 Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
        26 Isang magandang prinsesa, ligid na ligid ng espada
        27 Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
        28 Dumaan ang hari, ang mga tao’y nagtali.
        29 Alin sa buong katawan, ang nasa likod ang tiyan?
        30 Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
        31 Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan.
        32 Kung nakatindig ay kawayan, kung nakabuka’y karagatan
        33 Aling pagkain sa mundo, ang nakalabas ang buto?
        34 Sa araw ay bumubuhay sa gabi ay pumapatay.
        35 Mga pangyayari, nakikita ng marami, kahit sila ay wala rine
        36 Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
        37 sa malayo at narito, may pakpak ay di tao.
        38 Mababa kung nakatayo, mataas kung naka-upo.
        39 May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.
        40 Bolang dilaw ng ihagis ay umaga, ng bumalik ay hapon na araw
        41 Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
        42 Walang paa, walang pakpak, naipamamalita ang lahat
        43 Tubig na nagiging bato, bato na nagiging tubig.
        44 Aling hayop dito sa mundo, ang mga paa ay nasa ulo?
        45 Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
        46 Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
        47 Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
        48 Munting prinsesa laging nakakorona.
        49 Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
        50 Langit sa itaas, langit sa ibaba, may tubig sa gitna
        51 Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
        52 Tiyak ang kaganapan, ngunit walang nakakaalam.
        53 Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
        54 Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog.
        55 Nagpapagod kung tumigil, kung tumakbo’y giliw na giliw
        56 Kung kailan ko pinatay, saka humaba ang buhay.
        57 Kabaong na walang takip, sasakyang nasa tubig.
        58 Dalawang libing, laging may hangin.
        59 Nang umaga’y tikom pa, nang tanghali’y humahalakhak na.
        60 Urong-sulong, lumalamon.
        61 Itinanim kinagabihan, inani kinaumagahan.
        62 Araw-araw bagong buhay, taon-taon ay namamatay. kalendaryo
        63 Nagpahiwatig muna, bago gumawa ng sala.
        64 Hindi tao, hindi hayop, may buhok.
        65 May ulo’y walang tiyan, may leeg walang baywang.
        66 Aling hayop dito sa mundo, ang labi ay buto?
        67 Aklat ng panahon, binabago taun-taon.
        68 Aling hayop na maliit ang nagtitipon ng binlid, upang kanin sa taglamig.
        69 Kasing-itim ng aklitran, pumuputi kahit di labhan. buhok
        70 Binili ko ng mahal, isinabit ko lamang.
        71 Isang tabo, balog ang pako.
        72 Binili ko ng di kagustuhan, ginamit ko ng di nalalaman.
        73 Pagbali-baliktarin, may butas din.
        74 Naghain si Lolo, unang dumulog ang tukso.
        75 Isang taong disgrasyada, kung tumingin ay dalawa. duling
        76 Lima para sa isa, isa para sa lima
        77 Idinutdot bago ikinuskos.
        78 Balong malalim punong puno ng patalim
        79 Dalawang batong bilog, malayo ang abot
        80 Napapakiramdaman, napapakinggan, ngunit di mo makita, minsan man.
        81 May katawan walang mukha, walang mata’y lumuluha.
        82 OO ng’at niyog, nasa loob ang bunot.
        83 Mayroon akong gating, hindi ko matingnan
        84 Dalawang bunduk-bundukan, hindi maabot ng tanaw
        85 Kuwadro ko sa dingding, kamukha ang bawat tumingin.
        86 Dalawang bolang itim, malayo ang nararating.
        87 Hindi tao hindi hayop nakakagawa ng CDO
        88 Nakakulubong ay walang ulo, kinatatakutan ng gago.
        89 Dalawang magkapatid, nag-uunahan ng bait
        90 Aling hayop sa mundo ang lumalakad at walang buto.
        91 Eto na si Kaka Bubuka bukaka
        92 Ngalan ko ay iisa, uri ko’y iba-iba, gamit ako ng balana, sa daliri nakikita.
        93 Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali
        94 Hinila ko ang baging, nag-iingay ang matsing
        95 May puno walang bunga, May dahon walang sanga
        96 Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa
        97 Buto't balat, lumilipad
        98 Nakatalikod na ang prinsesa, mukha nya'y nakaharap pa
        99 Ate mo ate ko, ate ng lahat ng tao
        100 Walang bibig walang tenga, Nakakarinig, nagsasalita.

        Naka-excel ito at kung gusto mo complete padala ko sa iyo PM mo lang ako.
        Pakisagot nga ito.

        Comment

        Working...
        X
        TOP