Okay, trabaho ulit, batsi muna ko.
Announcement
Collapse
No announcement yet.
Pinoy Lang
Collapse
-
Originally posted by lebrick View Posttua trying to impress a filipina girl via chatting using the girls native tounge language:
Pinay: Gaano mo ako kamahal?
Tua: Ako ay handa na pakasalan ka. (I'm ready to marry you *google translate*)
pinay girl impressed by what she heard..
Pinay: I love you tua
Tua still want to impress more, being a showoff he is..
Tua: Mahal kita kaya magkano ang sanggol (I love you so much baby)
LMFAO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
greened
Comment
-
Originally posted by lebrick View Postpareng joms nagiipon ka rin ba ng para sayo? o tulad ka rin ng mga kakilala ko OFW na pinapadala lahat ng pera sa pinas at ang natitira na lang ay ang pang araw araw na gastusin?
i would suggest pre na unahin mo ang ipon at saka mo ipadala ang naiwan sa pinas. likas kasi satin pinoy na mapagmalasakit sa kapwa, lalo na sa pamilya natin. pero isipin mo na lng na mas marunong ka humawak ng kita mo kasi pinaghirapan mo yan. always think na di naman sila magugutom kung bawasan mo ng konte ang remittance mo. kaw na din nagsabi pre, umaangat ang lifestyle pag umaangat din ang sweldo, but in your cas, kaw ang nagpapasweldo sa mga pinadadalhan mo sa pinas. so wag mo na lng taasan sahod nila para masanay sila sa lifestyle na tinatamasa nila ngayon. magugulat sila may ipon ka na mahuhugot sa oras ng emergency.
tama naman yung mga suwestyon mo bro pero mahirap lang baguhin yung nakagawian na ng mahabang panahon, hahanap lang ako ng tamang diskarte at kailangan din talaga ng may mahuhugot pag may emergency
Comment
-
Originally posted by kadyo View PostAyos lang yan pareng miron. Sa maniwala ka sakin o hindi, makakaraos ka rin. Ganyan talaga ang pagsubok napagdadaanan natin dito sa pinas.
Pero wag kang aalis sa bayan natin, kailangan ka dito, pre. Lumaki akong OFW ang erpat ko, me pera pero ampangit ng epekto kaya ako ni hindi nakaisip mag abroad.
Comment
-
Originally posted by ispayder View PostTama si Prof Miron, hanggat maari, wag ka mag-abroad. Hindi maganda ang naging epekto sa mga anak ko. Isa pa tingnan mo kung ano ang naging epekto ke prof.
Hindi magiging professor yan kung hindi nag OFW ang erpat nya....gets mo?Originally posted by kadyo View PostHehe hindi naman ganu ang ibig kong sabihin, tsaka iba iba naman ang epekto neto sa iibat ibang pamilya at ibat obang indibidwal. Pero kung sasama ni pareng miron ang buong pamilya nya pag migrate e palagay ko lang ayun ang mas maganda.
ramdam ko lang ngayon hindi masyadong malalapit mga anak ko sa akin, I mean malapit rin naman sila sakin pero not like their closeness sa kanilang mommy...
Comment
-
-
Originally posted by miron_lang View Postdito ko na lang post kabusitan ko.
short na short na naman ako sa pang gastos
naiisip ko tuloy kung yung binabayad kong tax eh magamit ko na lang pambayad sa Ospital kung nagkakasakit at Tuition sa School. sobra sobra pa sana kaso wala pucha walang pakinabang dito ang pagbabayad ng tax!
tsk tsk tsk
ok balik sa positive mode
hirap talaga ng buhay, gusto ko na ngang ipa cut tong internet at baka di na ako maka survive sa dami ng utang haaay
Comment
-
Originally posted by JOM'S View Postbro sa kumpanya namin 100% yung remittance namin, dito naman provided lahat ng kumpanya yung pangangailangan namin, kung kailangan namin ng something outside sa mga needs kami yung nanghihingi ng budget sa pinas hehe...
tama naman yung mga suwestyon mo bro pero mahirap lang baguhin yung nakagawian na ng mahabang panahon, hahanap lang ako ng tamang diskarte at kailangan din talaga ng may mahuhugot pag may emergency
Comment
-
Originally posted by JOM'S View Postpinaka magandang option talaga makasama mo yung buo mong pamilya mga tol, bro ispayder anong epekto sa mga anak mo? ako I am hoping na kahit wala ako dun para i-guide sila, nagagampanan to ng esmi ko....
ramdam ko lang ngayon hindi masyadong malalapit mga anak ko sa akin, I mean malapit rin naman sila sakin pero not like their closeness sa kanilang mommy...
Ang masamang epekto ay ang personal guidance natin bilang magulang kung malayo tayo. Again, case to case basis. Mag-asawa kasi kami na nagtatrabaho, wala man lang kahit isa sa amin na tumitingin sa kanila, kaya ayun..palpak talaga....
Comment
Comment