tol ako buboto na iba ang kakalabanin niya,
Kung kayo ay nanood ng seryoso ay makikita ninyo na panay ang lipad ng siko ni bakla pag nagkaka***itan.
Si ortiz naman ay maka ilang beses na ng ulo na tingin ko ay sadya. Pero yung rabbit punches niya ay tingin ko legal dahil iniiwas ni bakla yung mukha niya at ang nahahagip ay ang batok.
Parehong may hindi tamang ginawa ang magkabilang panig... pero yung ginawan ni bakla ang hayag na hayag na mali.
Yung mga nagsasabi na nauna si ortiz ay dapat panoorin nila ulit yung mga siko. Tanungin din nila ang sarili nila kung pwedeng itama ng mali ang isa pang mali.
Mali yung head butting ni ortiz pero hindi ibig sabihin ay gaganti ang isang mahusay na boksingero ng isa pang mali. Maaring legal nga ito pero ang tingin ng madla ay unsportsmanship ang ginawa ni bakla. Ganyan din ang basa ko.
Tignan ninyo ang resulta ng ginawa ni bakla. Sino ang ipinaglalampasuhan sa public opinion? O di ba si bakla?
Last edited by Daniel Alpha; 09-19-2011 at 10:56 PM..
|