Dalawang Beer
Isang customer sa Beer House na pag umorder ay 2 botelya agad. Gabi-gabi, palaging ginagawa ito kaya nagtanong ang Bartender.
BT: "Boss, Bakit palaging 2 beer ang order niyo."
Customer: "Noon, palagi kung kasama ang Pare ko dito pero namatay na siya." "Ang pangalawang beer, iniinom ko para sa kaniya."
Makalipas ang isang buwan, isang botelya na lang ang order ng customer. Nagtaka ngayon ang bartender kaya tinanong na naman ang Customer.
BT: "Boss, bakit isang botelya na lang ang order mo."
Customer: "Huminto na ako sa pag-inom ng beer."
Lalung naguluhan tuloy ang Bartender.
BT: "Boss, kung huminto na kayo sa pag-inom ng beer, bakit bumibili pa rin kayo ng beer?"
Customer: "Ang beer na ito, para sa kumpare ko. Hindi siya huminto kaya ako ang umiinom para sa kanya".
|