Originally posted by kadyo
View Post
Tayo ang pinaka-mahinang bansa kaya sa tingin nila ay pwedeng i-bully.
Ang Vietnam ay pinitik na nila dati (1974) at muli na sinubok pitikin a few months ago pero di nila inaasahan ang naging reaction ng mga Vietnamese na nag riot against all Chinese businesses sa Vietnam. Umatras eventually ang intsik.
Ibig sabihin prof, tayo ang pinaka-passive among claimants at pinaka-mahina militarily kaya tayo ang pinili na pitikin.
Mapapansin natin na hindi nila inaagawan ng isla mga Malaysians at Indonesians. May kakayahan kasi ang mga navy nila to give them a bloody nose.
Isa pang reason ay hindi nila pwedeng gawin sa lahat ang pag-agaw dahil magkaka-isa ang mga bansa laban sa kanila. Sa paisa-isang pag-agaw ay nakalulusot sila...hanggang ngayon ay ayaw ng Malaysia, Indonesia, Brunei, Singapore, at Thailand sa panukala ng Pinas na united approach or multilateral talks to resolve the issue. Mas pumapayag sila sa gusto ng China na paisa-isang bansa ang kausap nila.
Ang Pinas lang at Vietnam sa Southeast asia ang may gusto nito.
Comment