Announcement
Collapse
No announcement yet.
Pinoy Lang
Collapse
-
Originally posted by Dale Cardon View PostSa tutuo lang pareng Kadz may enough budget para sa military. More than enough kung aayusin lang ang paggamit sa pera ng gobyerno. Maraming pinagkakakitaan ang gobyerno na hindi dumadaan sa GAA o General Appropriation Act. Tulad ng kita sa Malampaya, road users tax, sa Pagcor fund, PCSO fund, atbp. Dapat lahat yan ay direct na pupunta sa kaban ng bayan at maisama sa GAA. Ang ginagawa ngayon ay nasa kapangyarihan ng very few kung saan napupunta mga yan.
Maliban dyan ay maraming "intel fund" ang mga sangay ng gobyerno na wala naman kinalalaman sa intelligence activities ng bansa. Naalis nga ang PDAF pero lumaki naman ang mga congressional insertions sa GAA.
Ito yung mga isinisingit ng mga legislators sa budget na mga pet project nila at sila ang namimili ng mga contractors para dito. Syempre may tongpats o commissions mga project na yun. Pinapayagan ito ng executive branch o Department secretaries para hindi na kwestyunin ng mga mambabatas ang kanilang budget. Moro-moro na lang ang budget hearings. Ang hearings ay para lang maisingit ng mga legislators ang mga projects nila na puno ng katiwalian.
Ang palasyo din ay maraming hidden na pork barrel.
Kung ang lahat ng ito ay maitutuwid, sagana ang bansa natin at may enough budget para sa military.
Dapat magkaroon ng isang presidente na kayang ituwid lahat ito.
hehe laking gastos niyan.
Comment
-
Comment