View Full Version : [LMAO!] Epal. Mas Epal.


GT-R
03-20-2010, 02:28 AM
Epal: Oist, gusto mo bumili t-shirt? Mura lang, bigyan kitang discount.

Mas Epal: Nagbebenta ka?

Epal: Oo, Team Pacquiao shirts. Ano bili ka?

Mas Epal: Ayoko. Hindi ko din magagamit yan. Dito lang naman ako lagi sa bahay.

Epal: Edi ipangbahay mo.

Mas Epal: Hindi na. Lagi naman akong nakahubad, ang init na 'e.

Epal: Kuripot naman nito!

Mas Epal: Talaga! Mahirap kumita ng pera ngayon....... Pero kung meron kang Floyd Mayweather na t-shirt, bibili ako ng dalawa.

Epal: Sira ulo ka pala 'e! Kuripot ka pag Pacquiao na t-shirt, pero kapag Mayweather dalawa pa ang bibilhin mo?!

Mas Epal: Sabi ko naman sayo diba, hindi ako mahilig sa damit. Pero kailangan ko ng punasan ng paa. Isa para sa labas ng bahay, isa para sa banyo.

Epal: May galit ka kay Mayweather no? Kutob ko lang.

*Apir*

-MARKAVELLI-
03-23-2010, 03:23 AM
Pre ala yatang nag reply sa joke mo bump ko lang to ha para matawa naman yung iba.

Balik ka na lang kasi sa pag mura para mapansin ka nanaman nila dito!
Nag cle-click yun dito peks man.