View Full Version : [LMAO!] Bob Ong Quotes


Killa_Kali
12-14-2009, 06:07 PM
An officemate gave me a Bob Ong book for Christmas. If you don't know who Bob Ong is, ask a relative of yours in the Philippines to send you one of his rip-roaring funny books.

Excerpts:

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”

“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

Chups
12-14-2009, 06:14 PM
LOL!! Unang excerpt palang napa-halakhak na ako. Mukhang Ok yan ah.

Killa_Kali
12-14-2009, 07:16 PM
LOL!! Unang excerpt palang napa-halakhak na ako. Mukhang Ok yan ah.

malupit si bob ong, chups lolz. i;m not sure kung puede umorder online.

btw, i sent you a pm.

No Ceiling
12-14-2009, 10:28 PM
”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

:rofl:.............

merjohn32
12-15-2009, 07:32 AM
I've read most of his books. He's pretty entertaining and one can learn alot from him as well.

xzworks
12-15-2009, 07:37 AM
for more info: bob ong comes from bobongpinoy website.. bob ong or bobong pinoy...

maganda yung seryosong nobela nya na "macarthur".....

Rorschach™
12-15-2009, 08:20 AM
Di masyado maganda yung latest book niya na "Kapitan Sino", the best parin yung ABNKKBSNPLAko at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

Killa_Kali
12-15-2009, 09:00 AM
Di masyado maganda yung latest book niya na "Kapitan Sino", the best parin yung ABNKKBSNPLAko at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.



yep. ung 2 un ang classic.

Killa_Kali
12-15-2009, 09:01 AM
for more info: bob ong comes from bobongpinoy website.. bob ong or bobong pinoy...

maganda yung seryosong nobela nya na "macarthur".....

nagsara na ung bobongpinoy a few years ago.

Bruz Li Baggin
12-15-2009, 09:53 AM
no joke...i used to chat bob ong noong bago-bago pa ang pinoyexchange forum.

magaling talag ang wit and humor ng mokong at mula noon hanggang ngayon anonymous pa din.

pag umuuwi ako ng pinas bumibili ako ng books niya at pinakahuli yung kapitan sino...malaman.

naka chat ko din yan nun sa isa pang bbs di ko na lang matandaan kung anong site. :)

bobong pinoy! two thumbs up!

JOM'S
12-15-2009, 10:38 AM
okey yan ah ... makadala nga dito sa disyerto next vacation ko pang alis ng homesick hehe...

Rorschach™
12-15-2009, 10:55 AM
okey yan ah ... makadala nga dito sa disyerto next vacation ko pang alis ng homesick hehe...

Bilin mo na lahat ng libro bro..mura lang naman eh around 100 pesos lang ang isa..hehe..:fing02:

JOM'S
12-15-2009, 11:08 AM
Bilin mo na lahat ng libro bro..mura lang naman eh around 100 pesos lang ang isa..hehe..:fing02:

100 lang? mura nga puwedeng mamakyaw hehe ...

teka gano karami na ba books ni bob ong?

kasi sigurado akong marami rin maaliw ng mga kasamamhang kong ring pinoy d2...

Rorschach™
12-15-2009, 11:37 AM
100 lang? mura nga puwedeng mamakyaw hehe ...

teka gano karami na ba books ni bob ong?

kasi sigurado akong marami rin maaliw ng mga kasamamhang kong ring pinoy d2...

Oo around 100 pesos lang each..7 lahat yung libro niya..Kung may 1k ka, mabibili mo na lahat..:fing02:

* ABNKKBSNPLAko?!(Aba, Nakakabasa na pala Ako!) (2001)
* Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? (2002)
* Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003)
* Alamat ng Gubat (2003)
* Stainless Longganisa (2005)
* Macarthur (2007)
* Kapitan Sino (2009)

Chups
12-15-2009, 11:40 AM
Yun din ang iniisip ko pag naka-uwi ako nang pinas.

Killa_Kali
12-15-2009, 11:43 AM
Yun din ang iniisip ko pag naka-uwi ako nang pinas.

sabihin mo lang kung kelan, sagot ko ung mga libro. hehe

bob ong >>> james307 :D

Chups
12-15-2009, 11:48 AM
sabihin mo lang kung kelan, sagot ko ung mga libro. hehe

bob ong >>> james307 :D

Wala pang plano. PM sent.

Killa_Kali
12-15-2009, 12:00 PM
Wala pang plano. PM sent.

reply sent. speaking of the devil, bumalik na naman lolz :banghead:

flipside
12-15-2009, 05:32 PM
may apps sa facebook na bob ong quotes

flipside
12-15-2009, 05:42 PM
Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila hindi uso at hindi in.

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

“Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”

miron_lang
12-15-2009, 10:58 PM
Mukang ok yan ah. Saan section ng National Bookstore yan? makabili nga kahit isa lang muna.

Killa_Kali
12-15-2009, 11:40 PM
Mukang ok yan ah. Saan section ng National Bookstore yan? makabili nga kahit isa lang muna.

filipino/filipiniana section. ask mo lang ung saleslady. bob ong. meron din sa powerbooks.

Mares
12-16-2009, 01:09 AM
meron bang comics version eto? mas makakatawa pang gawin itong comics: :haha:

Killa_Kali
12-16-2009, 01:20 AM
meron bang comics version eto? mas makakatawa pang gawin itong comics: :haha:

wala pa ata hehe

Rorschach™
12-16-2009, 04:29 AM
meron bang comics version eto? mas makakatawa pang gawin itong comics: :haha:

Yung Alamat ng Gubat, parang comics version.

http://3.bp.blogspot.com/_Oek_ZZT93ZE/SSOtG67eeOI/AAAAAAAAA_8/2ho8hEruntM/s400/eB-AlamatNgGubat.jpg

JOM'S
12-16-2009, 05:26 AM
Oo around 100 pesos lang each..7 lahat yung libro niya..Kung may 1k ka, mabibili mo na lahat..:fing02:

* ABNKKBSNPLAko?!(Aba, Nakakabasa na pala Ako!) (2001)
* Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? (2002)
* Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003)
* Alamat ng Gubat (2003)
* Stainless Longganisa (2005)
* Macarthur (2007)
* Kapitan Sino (2009)

wooot!!! thanks a lot tol sa list!

lol "abnkkbsnplako" ...txt speak pala

Rorschach™
12-16-2009, 05:53 AM
e2 PDF..Kung di na kau makatiis..hehe..

http://www.kickasstorrents.com/bob-ong-collections-filipino-literature-zip-t2364843.html

LeeVanCleef
02-05-2010, 05:35 AM
Bumped kasi gusto ko si Bob Ong...pilosopo ng bayan :D