View Full Version : Tanong ko lang po sa may mga asawa na...chups,kadyo,miron_lang,flipside,etc.

SuckaPunch
06-30-2009, 11:05 AM
May mga ilan tayong posters d2 na may mga asawa/pamilya na aking tinitingala at nirerespeto:

chups
kadyo
miron_lang
flipside
etc.

Seryoso tanong galing sa nakakababata, paano nyo nalaman na desidido na kayong pakasalan ang inyong partner? Bukod sa financial at emotional factors, ano pang kailangang ikonsider? (pinay ang partner ko at halos tatlong taon na kami).

Yung mga ibang may asawa na, nde limitado sa apat na posters itong thread na 'to. Meron ba sa inyong nakapangasawa ng foreigner at paano ang experience?

Naglagay din ako ng public poll para malaman kung cno sa ating mga noypi ang may asawa na.

Tagalog lang po mga tols at sana ay maging respetado ang ating diskusyon.

rottentothecore
06-30-2009, 11:10 AM
binata..nasa isang matagal nang relasyon, 13 years na kami ng GF ko, pag uwi nya..kasalan na..

walang sinuman ang makakapag sabi talaga sayo kung kelan mo mararamdaman na pwede nang mag asawa.. ikaw at ang partner mo lang ang makakaramdam nyan..sa palagay ko lang.. :)

Chups
06-30-2009, 12:39 PM
Dati narinig ko sa isang counselor sa TV ...kapag nag-dadoubt ka pang magpakasal ay hindi ka pa handang mag-asawa.

Pero ako personally........napikot lang ako......bwahahahaha....joke joke. :D

Seriously.....kung nakita mo na ang babae sa buhay mo na sa palagay mo ay magiging mabuting asawa at INA.......at sa palagay mo ay kilala mo na sya ay pwede na kayong magpakasal. Para sa akin dapat mature ka sa tatlong bagay

Mature financially (ibig sabihin may naipon ka), mature emotionally and mature spiritually. At dapat sya rin.

Yan po ang basics. :fing02:

Katz
06-30-2009, 01:37 PM
ayos chups... sa tatlong basic isa lang ang nsa akin.. so hindi pa ako pwidi.. :lol1:

-MAKAVELLI-
06-30-2009, 01:47 PM
Dati narinig ko sa isang counselor sa TV ...kapag nag-dadoubt ka pang magpakasal ay hindi ka pa handang mag-asawa.

Pero ako personally........napikot lang ako......bwahahahaha....joke joke. :D

Seriously.....kung nakita mo na ang babae sa buhay mo na sa palagay mo ay magiging mabuting asawa at INA.......at sa palagay mo ay kilala mo na sya ay pwede na kayong magpakasal. Para sa akin dapat mature ka sa tatlong bagay

Mature financially (ibig sabihin may naipon ka), mature emotionally and mature spiritually. At dapat sya rin.

Yan po ang basics. :fing02:

sa JMM, sinabi mo depende sa laki ng jogs :nonono:

Chups
06-30-2009, 04:23 PM
sa JMM, sinabi mo depende sa laki ng jogs :nonono:

Kaya nga sinabi kong basics eh..............nasa specifics yan.....:D

SuckaPunch
06-30-2009, 06:48 PM
binata..nasa isang matagal nang relasyon, 13 years na kami ng GF ko, pag uwi nya..kasalan na..

Nampusa, sa loob ng 13 years, ni nde ka napikot? Pare, magpatingin ka na, baka baog ka! joke :D

Basta, goodluck sa kasal nyo, san ba nagtatrabaho si future wifey?

Dati narinig ko sa isang counselor sa TV ...kapag nag-dadoubt ka pang magpakasal ay hindi ka pa handang mag-asawa.

Pero ako personally........napikot lang ako......bwahahahaha....joke joke. :D

Seriously.....kung nakita mo na ang babae sa buhay mo na sa palagay mo ay magiging mabuting asawa at INA.......at sa palagay mo ay kilala mo na sya ay pwede na kayong magpakasal. Para sa akin dapat mature ka sa tatlong bagay

Mature financially (ibig sabihin may naipon ka), mature emotionally and mature spiritually. At dapat sya rin.

Yan po ang basics. :fing02:

Tlagang formal pa ah. Parang "The 7 Habits of Highly Effective People", eh yung sa yo, "The 3 Checklists Before Committing to the Life of Misery", hehe. All seriousness, salamat sa payo.

According sa TV counselor na tinutukoy mo, the fact that I created this thread says a lot but who knows?

Kaya nga sinabi kong basics eh..............nasa specifics yan.....:D

Since you already gave us the keys to the basics, why not give us the specifics as well?

rottentothecore
06-30-2009, 07:33 PM
Nampusa, sa loob ng 13 years, ni nde ka napikot? Pare, magpatingin ka na, baka baog ka! joke :D

Basta, goodluck sa kasal nyo, san ba nagtatrabaho si future wifey?

kayod kalabaw sa amerika lol

yeks
06-30-2009, 08:56 PM
ang pagaasawa, parang kamatayan yan.. di napaghahandaan.. :D

i remember before i got married, i was having multiple gf.
then this one girl came and after a month of relationship, she asked me to marry her to show how i relly love her.
i dump all my other gf including my long time sweetie (4yrs) for her.
i was only 24 then and we got married in manila cityhall without the consent of our parents.

we are happily married for 8yrs blessed with 2 daughters..
though i failed to fulfill my parent's dream to get married at the age of 27, i know they were happy coz i gave them 2 grand daughters..

morale of the story,
kung naramdaman mo na gusto mo na, go for it.
hindi darating ang time na ready na tayo.
ang lahat ng problema na darating kapag nagasawa ka na any nalulusutan..
magisa ka nga kayo mo lumutas ng problema, how much more kung dalawa na kayo na haharap dito..
di madali ang pagaasawa, marami ka dapat tatalikuran at dapat mutual ang understanding nyo.
pero kahit mahirap, natatalo pa din yun ng sarap kasi napakasarap magmulat ng mata na ang pinakamamahal mong asawa ang makikita mo kaagad.. :D

Anak ni Hudas
06-30-2009, 09:18 PM
Tol ang pag aasawa ay hindi parang kanin na bagong saing na basta na basta basta mo lang isusubo dapat may sabaw ka, ulam at softdrinks...alam mo na ibig ko sabihin dapat handa ka na financially emotionally at heartilly...:spankme:

kadyo
06-30-2009, 09:21 PM
Tinanan ko lang yung wife ko kaya di ako nakapaghanda pero maayos naman ang pamumuhay namin ngayon kahit pano at nabiyayaan kami ng limang masisiglang anak.

Bilib ako sa mga nagplaplano at tyak na mas malaki ang tsansa na mahuhusay at magaganda ang kanilang kinabukasan.

Ako kasi, wala sakin yang plano plano na yan, basta sugod lang ako ng sugod at saka go with the flow lang kaya medyo inaamin ko na hindi ako kasing riwasa ng mga ibang plinano nila ng husto yung buhay nila.

Ang kaibahan nga lang e me kaibigan akong plinano ng husto yung buhay nya pero ayun nasa texas sya ngayon at hiwalay sa asawa nya. Pareho na sila ngayon ng asawa nya na mayaman pero yung anak nila siguro nalulungkot dahil hiwalay ang mga magulang nya.

Ako hindi man nagplano at tumira lang ng tumira at medyo kapos dahil nga sa pasugod sugod, e may masayang pamumuhay na sapat naman at medyo me kulang din pero puno ng pag ibig at pagmamahal.

MaD vEiN
06-30-2009, 09:47 PM
Ako kakasimula pa lang, nung Dec.6 '08 ako kinasal (yup its Pac/DLH, so i guess its a nice wedding present na din)

6 yrs ko na sya GF but i'd say na early 3 yrs namin e papetik petik lang ako sa buhay nun, ni hindi ko naisipan na magplano kya madalas nmin pagawayan yan

By our 4th-5th yr na i decided na mag ipon na talaga dahil di na ko bata at kailangan na paghandaan ang susunod na level ng buhay natin

Sa ngayon masaya kami, i wouldn't say perfect kasi me mga problemang dumadating din but i would say that im very happy & contented with her in my life nakkss (i love you swity hehehe)

No Ceiling
06-30-2009, 09:49 PM

is that your wife in your signature? shes an actress?

Papa Ace
06-30-2009, 09:59 PM
To be ready financially, siguro habang mag syota pa lang kayo mag-open na kayo ng joint account since when it comes to money matters dapat both of you should trust each other. Whatever it is na maipon nyo will be your upstart money pag mag-asawa na kayo. Mapapansin mo din dito kung maluho sya (o ikaw) dahil bababa yung ipon nyo, something na hindi dapat since pagdating sa pamilya dapat ang luho ay secondary na lang.

Get a pension plan, kung pwede kayong dalawa. Since its not possible na kumuha kayo ng educ plan dahil wala pa kayong anak, this pension plan will be your substitute dun sa educ plan. May mga 5-year to pay and wait 15 years plan. By this time mag-cocollege na mga anak mo.

Compatibility-wise, this is something you can never determine. Para sakin, its both respect and love for each other that will make sure na magiging successful yung married life mo. Maraming darating na temptations and there will come a time magiging losyang ang misis mo, pati ikaw and yung constant re-assurance that you will not fall into temptations ay mahirap. Hindi basehan yung tagal ng relationship nyo as GF/BF minsan.

Anak ni Hudas
06-30-2009, 10:11 PM
ako una kong asawa dancer sa club doon ko sya nakilala kasi nalibugan ako nung makita ko syang sumasayaw kaya tinable ko sya at niligawan mga 3 araw na tuloy tuloy ang punta ko dun sa birhaws na yun at nung pang 5 ladies drink ko na sinagot nya ako tapos nag vip kami duon kmi unang nag honeymoon, nag sama kami ng isang bwan live in kumbaga. tapos naghiwalay din kami kasi nabalitaan nya na nililigawan ko yung kasamahan nyang GRO nag away sila ng ako ang dahilan kaya naghiwalay na rin kami ang daming beses din naming nagkantutan. nung nabalitaan nyang nakantot ko yung kasamahan nyang GRO kasi nga nakakalibog yung katawan kaya hindi ko napigilan tirahin sarap kasi swabe sa burat kumbaga. ngayon masaya naman ako kasi nakita ko na yung babaeng pinakasalan ko matino sya at disente kasamahan ko lang din sa opis namin. ngayon masaya na kami pero nanghihinayang ako dun sa Dancer kasi nakaka miss din sya.:ugh1:

MaD vEiN
06-30-2009, 11:44 PM

Parang pang Xerex yang love story mo a :D

nujabes77
06-30-2009, 11:55 PM
basta alam magluto, pakasalan mo nah kuya

yeks
07-01-2009, 01:37 AM
basta alam magluto, pakasalan mo nah kuya

hahahahaha, yan ang old school na pananaw..:D

sa bahay, ako ang nagluluto hindi dahil di marunong ang misis ko kundi rekwes ng mga anak ko. pahinga katulong namin pag weekend sa pagluluto kasi ako ang chef..

Papa Ace
07-01-2009, 01:48 AM
hahahahaha, yan ang old school na pananaw..:D

sa bahay, ako ang nagluluto hindi dahil di marunong ang misis ko kundi rekwes ng mga anak ko. pahinga katulong namin pag weekend sa pagluluto kasi ako ang chef..

ganyan din ako pag weekend (although si misis marunong ng magluto). its a good bonding time din because sabay kami ni misis mamalangke and sya ung sous chef ko (assistant chef) hahaha pag ako ang nagluluto. My daughter likes anything with hipon so its always a staple every weekend.

miron_lang
07-01-2009, 01:59 AM
May mga ilan tayong posters d2 na may mga asawa/pamilya na aking tinitingala at nirerespeto:

chups
kadyo
miron_lang
flipside
etc.

Seryoso tanong galing sa nakakababata, paano nyo nalaman na desidido na kayong pakasalan ang inyong partner? Bukod sa financial at emotional factors, ano pang kailangang ikonsider? (pinay ang partner ko at halos tatlong taon na kami).

Yung mga ibang may asawa na, nde limitado sa apat na posters itong thread na 'to. Meron ba sa inyong nakapangasawa ng foreigner at paano ang experience?

Naglagay din ako ng public poll para malaman kung cno sa ating mga noypi ang may asawa na.

Tagalog lang po mga tols at sana ay maging respetado ang ating diskusyon.

tama yung sabi ni Chups na basic 3.

Pag nag aalinlangan ka. baka nga merong hindi tama. wag mo na patagalin 3 yrs ok na yun pag naka apat na taon na kayo pag isipan mo na.

Isipin mo na mag kaka anak ka tapos gusto mo ba na sya na maging nanay ng anak mo? gusto mo ba na sya magpalaki at magturo at mangaral sa anak mo?

Dapat din sempre proud ka sa babaeng papaksalan mo kahit saan kayo makarating.

yeks
07-01-2009, 03:25 AM
ganyan din ako pag weekend (although si misis marunong ng magluto). its a good bonding time din because sabay kami ni misis mamalangke and sya ung sous chef ko (assistant chef) hahaha pag ako ang nagluluto. My daughter likes anything with hipon so its always a staple every weekend.

yup papa ace, yun ang iniisip ko. di ko kc kasama family ko pag weekdays kaya i make it a point na pinagsisilbihan ko sila sa way na paborito ko din naman gawin.. ang magluto..:D

since mahilig sa hipon mga anak mo, natry mo na ba ginataang hipon with kalabasa? panalo to, nagluto ako at literally taob ang rice cooker. abot tenga ngiti ko kc ang mga anak ko eh sarap ng sarap habang kumakain.. pati si misis eh pers taym matikman yun.. nagduda pa nga at baka daw may kalive in ako na nagtuturo sakin magluto, hahahahaha :lol1:

flipside
07-01-2009, 04:58 AM
sa tingin ko pre yang pagaasawa e desisyon talaga pati yang pagmamahal kasi ung "magic" nawawala yan pagtagal ng panahon. sa totoo d pa kami kasal ni misis pero alam ko na siya na ang pakaksalan ko.

SuckaPunch
07-01-2009, 10:47 AM
kaka inspire naman mga istorya nyo, bukas na bukas din ay pupunta kaming las vegas at magpapakasal! joke :D

salamat tlaga sa mga payo niyo, i appreciate the replies. siempre, medyo may kaibahan ng konti d2 sa tate pero pinoy pa rin naman tayo at nde na natin makakalimutan ang ating kinalakihan.

sabi niyo nga, nde naman nadadaan lahat sa yaman at nde mo rin kayang paghandaan lahat. sometimes, you just gotta do it and kelangan harapin kung anumang darating na mga pagsubok.

sa tingin ko rin, mas pinag-iisipan ng mga lalaki ang pagpapakasal kesa sa babae. sa babae, kapag lagpas ka na ng trenta at wala pang asawa, parang nagiging desperado na sila at nde na gaanong pinag-iisipan pa (no pun intended). eh tayong mga lalaki, walang biological clock, kahit uugod-ugod na, nakabubuntis pa rin! :lol1:

with regards to temptations, may nabasa akong post dati, matagal na (galing yata kay miron_lang), sabi niya "alam mong tama ang pagpili mo sa asawa mo na kahit maghubad si britney spears sa harap mo, tatalikuran mo pa rin". kakatawa lang, totoo pa rin ba? :D

flipside
07-01-2009, 11:05 AM

medyo pangit na analogy na si britney spears. :D

BoBeTs
07-01-2009, 11:34 AM
medyo pangit na analogy na si britney spears. :D

ay! ay! ay! wag si britney.. pero kung si maui taylor kaya maghuhubad sa harap nya? hahahaha