SLIMZ
10-13-2007, 10:35 AM
>
>1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at
>anim na taon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng
>malaking krisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar
>sa piso at
>48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang
>pumunta ng Middle East ang tatay ko para magtrabaho.
>
>
>Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki ang
>pangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya.
>Sabi ng Nanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na
>raw ang bansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika.
>Kaya minabuti ng Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral
>niya at may bago na naman siyang bibig na pakakainin.
>
>
>Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay
>ng tatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y
>parehas galing sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila.
>Uuwi kada dalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang
>buwan. Ganyan ang pattern ng buhay ng tatay ko.
>
>
>Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang
>mga salitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din
>si Tatay.
>Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyang
>pagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. May
>tirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi
>naman daw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil
>hindi naman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng
>pakialamerong Amerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?!
>Na-imagine ko na lang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na
>dumadaan habang nakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM
>City. Nang mahawi ang mga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang
>isang taon ay nakita ko na naman ang aking sarili na nakasakay sa
>arkiladong dyip para ihatid ang Tatay sa Airport papuntang Middle East.
>Ikaw ba naman ang magkaroon ng pinag-aaral na nurse, isang seminarista
>at tatlo pa sa elementarya.
>Kailangang kumayod, kailangang kumita.
>
>
>Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid,
>lalo na sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado.
>Wala din siya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya
>nang una akong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito
>habang binibigay ko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese
>curls sa kaklase kong babae. Wala din siya para turuan akong
>magbasketbol tulad ng ginagawa ng mga kapitbahay ko sa kanilang anak.
>Wala rin siya para panoorin si Kuya na contestant sa Student Canteen at
>ako naman para sabitan niya ng medalya para sa mga math competition na
>sinalihan ko. Wala siya nang dumating ako sa punto ng aking buhay, na
>siya ring kinakatakutan ng lahat ng katulad kong nagbibinata--ang
>magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas . Wala siya nang
>kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryong pang-estudyante
>bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya para maipagmalaki
>sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alak dahil
>binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubok
>akong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang.
>Wala
>siya, wala siya parati.
>
>
>Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras
>namin sa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng
>Sangguniang Kabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng
>seminaryo, ang dalawa kong kapatid ay may mga sarili nang kina-career
>at ako naman ay natutuon sa aking pagsusulat.
>
>
>Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng
>Tatay at sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya
>babalik ulit sa abroad.
>
>
>Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ay
>overfatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang
>ilang buwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at
>malignant na ito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung
>nauntog ba ang Tatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo.
>Nahihiyang ngiti, kamot sa ulo at isang "hindi ko po alam" lang ang
>naisagot ko.
>
>
>Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun din
>kabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay.
>Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay
>noong burol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi
>ko kilala ang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay
>galing sa kanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang
>timpla ng kape, kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San
>Miguel o Purefoods ba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang
>ang maisasagot ko sa iyo.
>Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya para
>magbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mga
>papeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sa
>pagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical
>examinations at mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit
>makipagkuwentuhan ay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya
>maintindihang magsalita dulot ng chemotherapy.