View Full Version : Hanep si Bernabe Concepcion


Counter Puncher
10-06-2007, 12:29 AM
Napanuod ko sa rpn 9 yung laban ni Concepcion kay Sal Garcia kagabi. May hinaharap tong 19 year old na to sa featherweight division. Mas malaki at mas beterano yung kalaban pero nagawa p rin nyang gulpihin at pasukuin sa 9th round. Ist round pa lang ay ipinamalas na ni Abe ang mala- little Tyson nya na lakas at suntok. Pero matibay ang panga ng mehicano kaya di pa bumigay agad. Ipinakita naman ni Abe ang kanyang tiyaga na kahit tila yata hindi iniinda ng mehicano yung malalakas, sunod sunod at mabibilis na patama nya ay di sya nagbago ng pace at style for 8 rounds hanggang sa untiunti nang dumugo ang ilong, mata, pisngi at buong mukha ni Garcia. At parang puno na pinapalakol ni Abe si Sal every round na pagdating ng 9th eh bumigay na rin na parang upos yung kawawang mehicano.

A body builder's body at 19, vicious left & right, punching speed and power, tyak na may mararating ang batang ito...

BUT...i dont think he will be a Pacman in success and stature unless mabago nya ang ilang mga bagay na nakita ko...

1. Defense. Kung ang nagpatumba kay Boom Boom ay ang poor defense, yan din ang magyayari kay Abe kung di sya maproperly train sa depensa. Kung malakas sumuntok yung kalaban nya ay tyak may tulog din sya dahil sa mahilig syang makipagsabayan, leaving himsel open sometimes.

2. Footwork. Mabilis ang kamay pero mabagal ang footwork kaya di mamaximize ang anggulo at lakas ng suntok, at di makaiwas sa counter kung kailangan.

3. Excitement. Siguro dahil na rin sobrang disiplinado at focused which are not bad things mind you, he doesnt project any excitement on the ring other than when he blasts off his opponents now and then. Konting showbiz na dating naman dyan, konti lang ha?

4. Good promoter & packaging. Kahit anong produkto, pag walang packaging at promotion, walang bibili. Sana ay mapansin din sya di golden boy. aaaaay!

If he solves lahat ng sinabi ko sa taas, he may even surpass Pacman, what with better discipline, built and even looks! But hanggang featherweight lang cguro dahil 5'4" lang sya.

Good luck Abe!:boxing:

nelsoncm
10-06-2007, 12:33 AM
Kumpara kay Manny nung 19 pa, mas refined si Abe sa tingin ko bro.

Malayo mararating nito, lalo pag natutong bumilis ang paa at kamay :)

Counter Puncher
10-06-2007, 12:41 AM
Nanuod ko rin yung Montiel - Melendez WBO Superfly chmapionship. Hanep din! Sa early rounds masyadong naging careless si Montiel, so putok agad ang mukha ni Montiel. Sa round six napuruhan ni Montiel si Melendez na tumumba right b4 the bell, pero nakabangon pa. Sinamahan pa ni Montiel si Melendez pabalik sa corner nya! Kala ko tatapusin na ni MOntiel sa 7th nang sya naman ang tinamaan ng left hook ni Melendez at bumulugta. Kala ko di na makakabangon si Montiel but he still managed (barely) to last the round. Pagdating ng 10th round ay lumutang na ang pagka-champion ni Montiel at nagfade na si Melendez at nung 12th ay tluyan ng natibag si Melendez with a shot to the side of the body.

Counter Puncher
10-06-2007, 12:46 AM
Kumpara kay Manny nung 19 pa, mas refined si Abe sa tingin ko bro.

Malayo mararating nito, lalo pag natutong bumilis ang paa at kamay :)

that's right, pero manny improved every fight kaya nakarating sya sa tuktok. pag nagawa ni Abe yun, instead of just staying content with his present style, he will be the next pacman and more. Not to take away anything from AJ and the other champions and rising stars we have right now, but i think in terms of power, focus & discipline, Abe is the young man who can be "the man"!

Counter Puncher
10-06-2007, 12:49 AM
Kumpara kay Manny nung 19 pa, mas refined si Abe sa tingin ko bro.

Malayo mararating nito, lalo pag natutong bumilis ang paa at kamay :)

ganyan din ang sinabi nila kay Boom Boom nuon, pero being more refined is only good if you have the power and defense! I think Abe has more power in his fists than Boom Boom. But his defense isnt any good as Boom Boom as of yet.

nelsoncm
10-06-2007, 12:57 AM
Dapat dyan kay Abe, ihanap ng mas magaling na trainer. Sayang yung skill ng bata. Ang nag-improve kay Abe is ang power, confidence and ring smarts.

May panga din yung bata. Natamaan na ng matindi sa panga sa previous fights niya. Di man lang natinag.

Reminds me of Condes. Parehong pareho sila ng build ni Condes. Sayang din si Condes kung hanggang dyan lang style niya. Hyped pa naman masyado ng manager niya. Paisa-isang power punch din lang. May power sana, kaso andaming di tumatama.

chito
10-06-2007, 01:05 AM
Napanuod ko sa rpn 9 yung laban ni Concepcion kay Sal Garcia kagabi. May hinaharap tong 19 year old na to sa featherweight division. Mas malaki at mas beterano yung kalaban pero nagawa p rin nyang gulpihin at pasukuin sa 9th round. Ist round pa lang ay ipinamalas na ni Abe ang mala- little Tyson nya na lakas at suntok. Pero matibay ang panga ng mehicano kaya di pa bumigay agad. Ipinakita naman ni Abe ang kanyang tiyaga na kahit tila yata hindi iniinda ng mehicano yung malalakas, sunod sunod at mabibilis na patama nya ay di sya nagbago ng pace at style for 8 rounds hanggang sa untiunti nang dumugo ang ilong, mata, pisngi at buong mukha ni Garcia. At parang puno na pinapalakol ni Abe si Sal every round na pagdating ng 9th eh bumigay na rin na parang upos yung kawawang mehicano.

A body builder's body at 19, vicious left & right, punching speed and power, tyak na may mararating ang batang ito...

BUT...i dont think he will be a Pacman in success and stature unless mabago nya ang ilang mga bagay na nakita ko...

1. Defense. Kung ang nagpatumba kay Boom Boom ay ang poor defense, yan din ang magyayari kay Abe kung di sya maproperly train sa depensa. Kung malakas sumuntok yung kalaban nya ay tyak may tulog din sya dahil sa mahilig syang makipagsabayan, leaving himsel open sometimes.

2. Footwork. Mabilis ang kamay pero mabagal ang footwork kaya di mamaximize ang anggulo at lakas ng suntok, at di makaiwas sa counter kung kailangan.

3. Excitement. Siguro dahil na rin sobrang disiplinado at focused which are not bad things mind you, he doesnt project any excitement on the ring other than when he blasts off his opponents now and then. Konting showbiz na dating naman dyan, konti lang ha?

4. Good promoter & packaging. Kahit anong produkto, pag walang packaging at promotion, walang bibili. Sana ay mapansin din sya di golden boy. aaaaay!

If he solves lahat ng sinabi ko sa taas, he may even surpass Pacman, what with better discipline, built and even looks! But hanggang featherweight lang cguro dahil 5'4" lang sya.

Good luck Abe!:boxing:


tama ka dito but his real asset is his power. sa division na to, his power is above the rest. he could ko an opponent w/ a single punch. di na siguro mag-i-improve yung quickness ng paa nya, in born kasi yan (e.g. pac's footspeed is more like of a trackster LOL!).. but he could well improve on his defense, and by picking his shots (medyo sometimes it's a little wild at gigil).

Counter Puncher
10-06-2007, 01:06 AM
Dapat dyan kay Abe, ihanap ng mas magaling na trainer. Sayang yung skill ng bata. Ang nag-improve kay Abe is ang power, confidence and ring smarts.

May panga din yung bata. Natamaan na ng matindi sa panga sa previous fights niya. Di man lang natinag.

Reminds me of Condes. Parehong pareho sila ng build ni Condes. Sayang din si Condes kung hanggang dyan lang style niya. Hyped pa naman masyado ng manager niya. Paisa-isang power punch din lang. May power sana, kaso andaming di tumatama.

Tama ka na isang magaling na trainer ang kailangan ni Abe. Matibay din ang panga dahil sa maganda ang kundisyon lagi dahil nga sa disiplinado yan. Kahit 12 rounds na suntukan parang hindi humihina yung suntok ng kumag! bata pa rin kasi!

Counter Puncher
10-06-2007, 01:09 AM
tama ka dito but his real asset is his power. sa division na to, his power is above the rest. he could ko an opponent w/ a single punch. di na siguro mag-i-improve yung quickness ng paa nya, in born kasi yan (e.g. pac's footspeed is more like of a trackster LOL!).. but he could well improve on his defense, and by picking his shots (medyo sometimes it's a little wild at gigil).

i think he is the only pinoy right now who could put up with Ponce Deleon and KO him as well. (Gerry could put up with, but may not KO Ponce with one punch)

xzworks
10-06-2007, 03:51 AM
bakit parang walang balita na may laban pala si bernabe...

flipside
10-06-2007, 08:14 AM
bakit parang walang balita na may laban pala si bernabe...
hindi hyped nabasa ko lang nanalo na. pinalabas sa solar kagabi pero nkatulog ako :D

merjohn32
10-08-2007, 11:19 AM
Wala bang online videos ng latest niyang laban?