View Full Version : Tawa Muna tayo!!!!


edmendoza101
09-16-2007, 04:34 PM
Pampa alis wrinkles at mga anti aging jokes.....

================================================== ========================

PEDRO: Anong pulutan nyo kahapon sa birthday mo?
JUAN: Pata!
PEDRO: Wow! Anong klaseng pata?
JUAN: Pata galan ng kwento!


JINGGOY: Dad, bakit ba maalat at may asin sa dagat?
ERAP: Sinadya yan ni Lord para sa ganun hindi mapanis ang mga isda..


A***: Doc, grabe yung panaginip ko gabi gabi,
kasi lagi daw ako nanunuod ng basketball.
DOCTOR: sige halika may gamot ako para dyan.
A***: Wag muna dok, championship game na mamaya eh!



AMO: kelan lang tayo bumili ng toothpick,
bakit naubos agad?
MAID: ewan ko po mam, kapag ako po ang
gumamit sinosoli ko naman ah!



TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
BOY#1: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
BOY#2: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE?
BOY#3: MAGSASAMPAY mam!



AMERICAN ENGLISH:
Eat All You Can,
don't be shy,
feel at home!

IN TAGALOG:
kain lang kayo ng kain,
walanghiya kayo,
pakiramdam nyo bahay nyo to!



ONLY IN THE PHILIPPINES :
1. Doctors go back to school to be nurses abroad.
2. Rats are normal house pets.
3. Soap opera is reality and news provide the dramas of life.
4. Actors make the rules and politicians provide the entertainment!



ENRIQUE ZOBEL: half Filipino half Spanish.
HENRY SY: half Filipino half Chinese.
JUAN FLAVIER: half Filipino half Igorot.
RAUL ROCO: half Hawaiian half Polo.
JOHN OSMENA: half Filipino half Filipina.
MIKE ARROYO: half Filipino half Pork.
AI AI DELAS ALAS: half Filipino half Moon.
GMA: half...

TATAY: Bagsak ka na nman! Ba't di mo gayahin si Pedro?
Palaging may honor.
ANAK:Unfair naman kung ikumpara nyo ako kay Pedro.
TATAY: Bakit naman?
ANAK: Matalino ang tatay nu'n eh..!



A song for our Honorable (DAW!) na
Congressmen and Senators,
Mayors and Governors:

"BOOM CORRUPT CORRUPT,
BOOM CORRUPT CORRUPT,
KURAKOT, KURAKOT,
BOOM BOOM BOOM!"



INTERVIEWER: Ano ang plano nyo sa mga homeless?
ERAP: Marami, kaso may problema.
INTERVIEWER: Ano po yun?
ERAP: ang hirap nilang hanapin, kasi wala silang address.



MGA JOB TITLES NA DAPAT NANG PALITAN:
PRESIDENT- pasimuno.
VICE PRESIDENT- kunsitidor.
SECRETARY- palsipikador.
TREASURER- kubrador.
AUDITOR- kasabwat.
PUBLIC RELATION OFFICER- tsismoso.
REPRESENTATIVES- pahamak.
SPOKESMAN- bolero.
SGT-AT-ARMS- tirador.
ADVISER- taga sulsol.
(mas tama di bah?)


JUAN; Tay ! Penge P20 bibili ako ng de lata.
TATAY: Anak, mga taga bukid lang ang gumagamit ng term na de lata!
Englisin mo yan!
JUAN: Paano?
TATAY: KANG GUD!




ERAP: Hello, I would like to inquire how long is the flight to San
Francisco?
OPERATOR: Just a minute, Sir..
ERAP: Really? Thank you..

PILITA CORRALES - Asia 's Queen of Song.
LANI MISALUCHA - Asia 's Nightingale.
REGINE VELASQUEZ - Asia 's Song Bird.
GLORIA MACAPAGAL ARROYO - "Mole of Asia "


SA RESTORAN...
CUSTOMER: Waitress! Ano ba 'tong binigay mo sa akin,
kape o tsaa? Lasang gas 'to ah!
WAITRESS: Kung yan ay lasang gas, Kape yan!
Ang tsaa kasi lasang pintura!

Halakhak naman!

UnderPressure
09-16-2007, 05:33 PM
TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
BOY#1: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
BOY#2: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE?
BOY#3: MAGSASAMPAY mam!


HAHA LMAO!

One Hit KO
09-16-2007, 08:54 PM
nabasa ko na ito.

edmendoza101
09-20-2007, 02:38 PM
nabasa ko na ito.





71 views 2 lang nag-comment.......


Tangna nyo!!!:D :D :D hahaha!!!

Chups
09-20-2007, 06:18 PM
Ok.....................................:D

chito
09-20-2007, 08:19 PM
thanks, ed. kahit paano ay natawa ako sa mga jokes mo he he he.

edmendoza101
09-21-2007, 12:35 AM
thanks, ed. kahit paano ay natawa ako sa mga jokes mo he he he.










kahit paano ba???


Mmmm!!! ok! Salamat din maski papano nag reply ka! hehehe.

TomRiddle
09-21-2007, 01:20 AM
:lol1: :lol1: :lol1:

JOM'S
09-21-2007, 07:32 AM
lol natawa ko doon sa ANAK na kinumpara ke Pedro na honor student ...

kailangan matandaan ko ito never to compare my sons, he he...

Chups
09-21-2007, 01:02 PM
lol natawa ko doon sa ANAK na kinumpara ke Pedro na honor student ...

kailangan matandaan ko ito never to compare my sons, he he...

Natameme din ako dun sa joke na yun. :D PWede ngang sabihin sa akin nang anak ko yun.............LOL!!

SLIMZ
09-22-2007, 01:27 PM
nice sir ed...really a good one!

speedjay
09-23-2007, 05:39 AM
Galing pre,syanga pala,tumawag ako last month sa abu-ariesh,nandun pa pala sila jerry,yung nurse sa mustawsaf damad,kasabayan mo yun pare,1980 pa yun nag start duon,kasama nya sa bahay yung mag asawang leprozo,yung med tech dun.Nakausap ko sa phone si pareng bong,yung receptionist ng toyota.Natatandaan mo pa yun pre?

speedjay
09-23-2007, 05:43 AM
natanggap ko lang sa e-mail ito.

DAN BALIKBAYAN

Si Dan, tiga Bicol. Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng
kanyang Kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT baga). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.

E minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya.
"Pareng Dan," sabi ng kumpareng
tinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko.
Magshopping ka naman sa Mall
para malibang ka." "Kung may problema ka, tawagan mo ako sa
telepono.

Papasok na ako sa opisina." Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit
nerbiyos na nerbiyos siya,
sinubukan niyang lumabas.

Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga
damit na gusto niya. Ngunit
pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan.

Tanong ng cashier, "Visa or Master Card?" Karipas si Dan palabas
dahit sa takot! "Aba, hinahanap
ang visa ko! Baka nabisto na ako! Syet!"

Sakay kaagad siya sa kanyang kotse. Harurot. Kaso, halos wala ng
gas ang sasakyan kaya huminto
siya sa isang gas station.

Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa
speaker, "Sir, pay first,
please."

"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!"

Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng
pay phone.

Patago-tago siyang lumapit sa payphone.

"(Hingal) Kailangang matawagan ... ko si kumpare... para masundo
niya ako rito (hingal)."

Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, "AT&T how can I
help you?"

"Aba, anak ng putakteh, alam na TNT ako! Buking na ako!"

Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya,
tanong ba naman, "Are you done?"

Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas, "Buray kan
ina!, alam pa ang pangalan ko!"

Nagulat ang tisoy, "Hey, be cool, man ."

"Naku! Alam pa na taga-Bicol ako!"
"Is that your green car parked in the red zone?"
Hihimatayin na si Danny Boy! "Hinahanapan pa ako ng green
card"!!!!!
Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan.
Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na "Dan
Balikbayan."

edmendoza101
09-23-2007, 10:50 AM
Galing pre,syanga pala,tumawag ako last month sa abu-ariesh,nandun pa pala sila jerry,yung nurse sa mustawsaf damad,kasabayan mo yun pare,1980 pa yun nag start duon,kasama nya sa bahay yung mag asawang leprozo,yung med tech dun.Nakausap ko sa phone si pareng bong,yung receptionist ng toyota.Natatandaan mo pa yun pre?







Thanks dre!

Yung magasawang Leproso lang ang tanda ko tol. Jerry and Bong di ko na matandaan e. Pero kilala daw ba nila ako? Ang pinupuntahan ko sa Abu Arish
tol yung grupo nila Nestor na X-ray tek dun tiga Cabanatuan sila. Kasama ko sila sa basketball team nun sa Abha at sa Gizan ginagawa noon.Limot ko na name nila dre pero si Nestor kilala yun dun kasi nabaliw yun dre dahil sumobra sa tripping...LOL

Yung ibang tiga Kasawiyah Gen. Hosp. dre nasa Tate me contact kami 2 sa Texas at 2 sa LA.

edmendoza101
09-23-2007, 10:51 AM
nice sir ed...really a good one!





Thanks Slim!

speedjay
09-23-2007, 01:25 PM
Thanks dre!

Yung magasawang Leproso lang ang tanda ko tol. Jerry and Bong di ko na matandaan e. Pero kilala daw ba nila ako? Ang pinupuntahan ko sa Abu Arish
tol yung grupo nila Nestor na X-ray tek dun tiga Cabanatuan sila. Kasama ko sila sa basketball team nun sa Abha at sa Gizan ginagawa noon.Limot ko na name nila dre pero si Nestor kilala yun dun kasi nabaliw yun dre dahil sumobra sa tripping...LOL

Yung ibang tiga Kasawiyah Gen. Hosp. dre nasa Tate me contact kami 2 sa Texas at 2 sa LA.

Kilala ko si nestor pre,saka yung jerry na kasama nila leproso,jokla yun,nagtrabaho din alo sa khasawyah eh,sino yung mga nasa tate na galing duon?,**** pm naman pre at tawagan ko,salamas pre...