View Full Version : sino sa tingin nyo....

chito
01-24-2007, 05:11 AM
... ang pinakagarapal na tao dito sa pinas ngayon?

1. taxi driver
2. jeepney driver; or
3. bus driver

hindi limitado dito yung list, pwede rin kayo magdagdag, sa dami ng mga sira-ulo dito sa atin eh kulang ang espasyo sa listahan na to palagay ko he he he.

miron_lang
01-24-2007, 05:48 AM

1. BUS DRIVER - Pukingina mga hayup yan sa EDSA walang pakelam pag nagpalit ng lane. halos araw araw me disgrsya sa EDSA dahil sa mga HAYUP na BUS driver. ( Kung me kamag anak kayong BUS Driver di sya kasama dito :D )

2. JEEPNEY driver - Mga TARANTADO din tong mga to sa mga main roads. Ganto diskarte ng mga yan sasalubungin yung kabilang lane tapos isaksak yung nguso ng jeep nya sa bumper mo tapos sesenyas. sempre di mo pagbibigyan gago eh. sila pa magagalit nyan.tangna talaga!!

3. Taxi Driver - Mild lang tong mga to sa kalsada madalas sila yung bikitima ng mga JEEPney drivers. ang problema sa kanila eh yung pamimili nila ng pasahero na pinagbabawal.

4. Tracle Drivers - SIguraduhing malayo kayo dahil tututukan kayo nito ng mga 6 inches lang ang pagitan so pag biglang preno or menor. malamang sabit ka.

Na high blood ako dun ah :D

JOM'S
01-24-2007, 08:09 AM
lol ... sa akin lang naman, kahit papano tong mga drivers nato kahit talagang paminsan nakakapag pa-init ng ulo ...

nung bakasyon ko nagmamadali kami at may appoitment akong kailangan puntaha, kaso nasakyan kong bus from cavite to baclaran, gapang katulong ang ginawa mahigit tatlong oras, mga apat na yata ang inabot from dasma to baclaran ...

pero naisip ko rin na kailangan nga rin nila kumita ...

Chadmack
01-24-2007, 08:21 AM
yan ang hirap sa mga yan eh, lahat naman tayo kailangang kumita. sana lang lagay sa lugar at sa ayos, nde yung nakakaperwisyo sila dahil lang 'kailangan nilang kumita'.

yan ang pinakamalaking dahilan din kung bakit walang disiplina sa kalsada ang mga yan. sobrang makasarili ba tapos yan ang kakatwiran, parang sa kanila yung daan eh.

dagdag ko na rin yung mga traffic enforcers na ang alam lang eh yung 'manghuli'. sila rin ang me pinakamalaking contribution kung bakit lumaki ulo ng mga walang modong drivers na nabanggit sa taas. anak ng teteng kung ginagawa ba naman nila ang trabaho nila ng mahusay di sana yung mga walang modong mga drivers na yun eh natuturuan at nadidisiplina. yung mga enforcers pa yung tipong nagtatago pag traffic tapos inaabangan nila yung mga napipikon na mga motorista na dahil sa traffic, then out of nowhere pag yung pikon na motorista eh nagviolate ng kaunti eh bigla na lang silang bubulagain, HULI na... mga kupal talaga.

ibilang na rin natin yung mga mamamayan na walang disiplina, mga lahing Juan Tamad din kasi mga pinoy, kaya kung san sila makakatipid ng lakad eh dun na lang sasakay kahit bawal pa. (malaki ring contribution kung bakit ang mga PUV drivers natin eh walang disiplina, mismong suki kasi eh walang disiplina)

^^^^^ napahaba ata ah, tama si pareng miron, nakakahighblood :D

chito
01-24-2007, 08:09 PM
lol ... sa akin lang naman, kahit papano tong mga drivers nato kahit talagang paminsan nakakapag pa-init ng ulo ...

nung bakasyon ko nagmamadali kami at may appoitment akong kailangan puntaha, kaso nasakyan kong bus from cavite to baclaran, gapang katulong ang ginawa mahigit tatlong oras, mga apat na yata ang inabot from dasma to baclaran ...

pero naisip ko rin na kailangan nga rin nila kumita ...

tapos, natapatan mo pa ay crossing ibabaw, patay ka na (15 mins din ang mawawala sa yo) dahil kahit green light na ay hayun at nag-aantay pa ng pasahero ang mga hayup na driver at konduktor!!

chito
01-24-2007, 08:15 PM
2 weeks ago (ito yung nung may fireworks sa mall of asia), sumakay kame dun sa taxi galing makati papuntang moa. trapik talaga dahil last day na yun ng event na yun eh. aba, itong driver, sa macapagal pa lang ay pilit na kameng pinapababa dahil maiipit daw sya pabalik? ang sabe ko "mama, nag-taxi pa kame, dapat ay nagbus na lang or nag-mrt na lang sana kame, kung ganito din lang." ang tapang ng apog nung driver ay mukhang palaban talaga, sya pa ang matapang gayung sya tong mali.

chito
01-24-2007, 08:19 PM
lol ... sa akin lang naman, kahit papano tong mga drivers nato kahit talagang paminsan nakakapag pa-init ng ulo ...

nung bakasyon ko nagmamadali kami at may appoitment akong kailangan puntaha, kaso nasakyan kong bus from cavite to baclaran, gapang katulong ang ginawa mahigit tatlong oras, mga apat na yata ang inabot from dasma to baclaran ...

pero naisip ko rin na kailangan nga rin nila kumita ...

bro, nung pag-uwi mo at nasa airport ka na dito sa pilipinas. im sure may sundo ka naman ano, pero kung wala kang sundo ay baka mainis ka lang sa mga ganid na taxi drivers dahil siguradong tatagain ka ng husto sa hihingin sa yong pamasahe mula airport ha ha ha. ganyan na yata talaga ka-grabe ang buhay at mabibilang mo na lang sa daliri ang mga taong may konsyensya.

miron_lang
01-24-2007, 11:03 PM
tama kayo mga tol

as a commuter. mamumuti mata mo pag sumakay ka sa mga buwayang BUS na

CUBAO Ibabaw
Ortigas Ilalim
CROSSING ibabaw

kung mag bu bus kayo piliin nyo na tong mga BUS na to

California Bus Lines
Pascual Liner
Ferminas

yung iba potah puro BUWAYA. mag MRT na lang kayo

chito
01-25-2007, 12:52 AM

ito yata yung bus na talagang humihinto lang pag may bababang pasahero. oks na oks talagang sumakay dito, bro, siguradong di ka male-late sa pupuntahan mo.

miron_lang
01-25-2007, 01:21 AM
ito yata yung bus na talagang humihinto lang pag may bababang pasahero. oks na oks talagang sumakay dito, bro, siguradong di ka male-late sa pupuntahan mo.

oo pre dinudumog sa umaga yan. siksikan na hinahabol pa ng pasahero samantalang yung ibang kasabay nyang bus puro bakante :D

edmendoza101
01-25-2007, 02:44 AM
Wow, ganun na ba talaga katindi ang mga driver na yan sa atin? Tipong nakaka-hayblad na nga pala ano? :firedevil

JOM'S
01-25-2007, 03:49 AM
bro, nung pag-uwi mo at nasa airport ka na dito sa pilipinas. im sure may sundo ka naman ano, pero kung wala kang sundo ay baka mainis ka lang sa mga ganid na taxi drivers dahil siguradong tatagain ka ng husto sa hihingin sa yong pamasahe mula airport ha ha ha. ganyan na yata talaga ka-grabe ang buhay at mabibilang mo na lang sa daliri ang mga taong may konsyensya.

he he kaya ginagawa ng mga kasama ko na hindi nagpapasundo umaakyat doon sa departure at doon pumapara ng taxi ... ang laki ng diperensya ng rate mga 500-1000 pesos difference depende sa destination mo...

JOM'S
01-25-2007, 04:06 AM
kelan kaya mag kaka MRT/LRT from Dasma to Baclaran?? diba noong panahon ni Erap may plano ganito?

talagang ang laki ng luwag kapag may mrt/lrt sana ...

chito
01-25-2007, 05:18 AM
kelan kaya mag kaka MRT/LRT from Dasma to Baclaran?? diba noong panahon ni Erap may plano ganito?

talagang ang laki ng luwag kapag may mrt/lrt sana ...

eto bro, mula sa super regions agenda ng gobyerno... merong project na pinu-propose... ang tawag dito ay manila cavite expway r-1 ext. project... from coastal road hanggang cavite city.

yung mga riles din ng tren going to bicol ay ire-rehabilitate at ili-link from north to south. this year up to 2010 term ng mga projects.

di ako maka-gma pero maganda naman tong mga proyekto na to, sana lang wag ibulsa ng mga administrator yung pondo ha ha ha.

chito
01-25-2007, 05:21 AM
Wow, ganun na ba talaga katindi ang mga driver na yan sa atin? Tipong nakaka-hayblad na nga pala ano? :firedevil

try mo umuwi minsan sa pinas, bro at mag-iinit ang ulo mo he he he. sa kahirapan nag-uugat lahat yan eh. kung hindi mahirap ang buhay dito siguro walang mga ganyang tao. bakit naman pag nag-aabroad yung mga pinoys, ang titino naman?

kadyo
01-25-2007, 05:33 AM
Natawa ko sa kaseryosohan at kakengkoyan ng sinulid nato. To talagang si chito kung ano ano ang naiisip. haha!!

chito
01-25-2007, 05:40 AM
Natawa ko sa kaseryosohan at kakengkoyan ng sinulid nato. To talagang si chito kung ano ano ang naiisip. haha!!

ala lang, pampawala lang ng stress. mas mainam nga yung natawa ka, that way, nakatulong pa ako LOL.

we need laughter to get away (kahit for a moment) from the not-so-good events in this country di ba?

Chadmack
01-25-2007, 05:44 AM
eto bro, mula sa super regions agenda ng gobyerno... merong project na pinu-propose... ang tawag dito ay manila cavite expway r-1 ext. project... from coastal road hanggang cavite city.

yung mga riles din ng tren going to bicol ay ire-rehabilitate at ili-link from north to south. this year up to 2010 term ng mga projects.

di ako maka-gma pero maganda naman tong mga proyekto na to, sana lang wag ibulsa ng mga administrator yung pondo ha ha ha.
money making scheme . . . . pero nde mapapansin dahil makikinabang naman ang mga tao kahit papano . . . . pareng chito, imposibleng walang kurakot dyan, lalo na sa ganyang kalaking proyekto...

chito
01-25-2007, 07:16 AM
money making scheme . . . . pero nde mapapansin dahil makikinabang naman ang mga tao kahit papano . . . . pareng chito, imposibleng walang kurakot dyan, lalo na sa ganyang kalaking proyekto...

naku pag nagkaganun eh, kawawa naman tayo. baka ang labas nung mga proyekto ay tinipid para lang makakurakot sila. wag naman sana...

Papa Ace
01-25-2007, 08:21 AM
ala lang, pampawala lang ng stress. mas mainam nga yung natawa ka, that way, nakatulong pa ako LOL.

we need laughter to get away (kahit for a moment) from the not-so-good events in this country di ba?

o eto pampawala ng stress :D

http://img262.imageshack.us/img262/9350/post8842611695147958sa.jpg

seriously, mas ok ang mga taxi drivers, iilan lang yung medyo balasubas. marami na kasi yung may mga malaking cab companies kaya regulated na sila, plus the fact that out of the three mentioned, taxi drivers tends to earns more. meron ding mga nag-tataxi na operator din, maingat sila magmaneho, magalang at malinis tignan. one good example, are taxi drivers dito sa baguio. maganda pamamalakad nila dito at ang sukli lagin binibigay.

sa mga bus drivers naman, those na nasa provincial routes are so much better than their Manila counterparts. magagalang at maayos magmaneho ang mga nasa province.

i think the worst would have to be the jeepney drivers. lahat na yata na kalokohan (cutting trip, beating the red light, walang sukli, bastos manalita, mabaho etc) eh sinalo nila. and whats more worse is that a majority of them are like this. siguro sa 10 jeepney driver mga 6 ang ganito ang problema.

tsk tsk tsk....

Chadmack
01-25-2007, 10:13 AM
naku pag nagkaganun eh, kawawa naman tayo. baka ang labas nung mga proyekto ay tinipid para lang makakurakot sila. wag naman sana...
bibihira naman yung umaabot sa pagtitipid bro. kunyari, ang isang sako ng semento eh 400 ang orig price, pag ilalagay na sa budget ng gov official, 1000 ang isang semento :D

example, yung mga cat's eye(reflector sa daan), madalas dyan nakakakuha ng malaking salapi ang mga gov officials. its helpful sa mga motorista kaya nde na pinapansin yung kurakot, ang nakikita ng tao eh me nagagawa si official...

Chadmack
01-25-2007, 10:14 AM
o eto pampawala ng stress :D

http://img262.imageshack.us/img262/9350/post8842611695147958sa.jpg

seriously, mas ok ang mga taxi drivers, iilan lang yung medyo balasubas. marami na kasi yung may mga malaking cab companies kaya regulated na sila, plus the fact that out of the three mentioned, taxi drivers tends to earns more. meron ding mga nag-tataxi na operator din, maingat sila magmaneho, magalang at malinis tignan. one good example, are taxi drivers dito sa baguio. maganda pamamalakad nila dito at ang sukli lagin binibigay.

sa mga bus drivers naman, those na nasa provincial routes are so much better than their Manila counterparts. magagalang at maayos magmaneho ang mga nasa province.

i think the worst would have to be the jeepney drivers. lahat na yata na kalokohan (cutting trip, beating the red light, walang sukli, bastos manalita, mabaho etc) eh sinalo nila. and whats more worse is that a majority of them are like this. siguro sa 10 jeepney driver mga 6 ang ganito ang problema.

tsk tsk tsk....
at gaya ng sabi ni miron, nde kasama syempre dito mga kamaganak nyo :D hehe

JOM'S
01-25-2007, 11:27 AM
eto bro, mula sa super regions agenda ng gobyerno... merong project na pinu-propose... ang tawag dito ay manila cavite expway r-1 ext. project... from coastal road hanggang cavite city.

yung mga riles din ng tren going to bicol ay ire-rehabilitate at ili-link from north to south. this year up to 2010 term ng mga projects.

di ako maka-gma pero maganda naman tong mga proyekto na to, sana lang wag ibulsa ng mga administrator yung pondo ha ha ha.

wala akong sasakyan kaya sana mas gusto ko mrt na lang he he ...

pero ayos din yang r-1 siguradong makakabawas sa traffic, he he

chito
01-25-2007, 09:02 PM
wala akong sasakyan kaya sana mas gusto ko mrt na lang he he ...

pero ayos din yang r-1 siguradong makakabawas sa traffic, he he

sana nga mapabilis mga projects na to, bro. para ginhawa tayong lahat he he he.

kelangan talagang mag-pa-improve ng mga road infrastructures kasi padagdag din naman ng padagdag mga private vehicles at di naman ni-reregulate ha ha ha.

chito
01-25-2007, 09:38 PM
bibihira naman yung umaabot sa pagtitipid bro. kunyari, ang isang sako ng semento eh 400 ang orig price, pag ilalagay na sa budget ng gov official, 1000 ang isang semento :D

example, yung mga cat's eye(reflector sa daan), madalas dyan nakakakuha ng malaking salapi ang mga gov officials. its helpful sa mga motorista kaya nde na pinapansin yung kurakot, ang nakikita ng tao eh me nagagawa si official...

kelan kaya maalis tong sakit nating ito? yun lang kasi ang paraan para umunlad ang bayan natin eh, yung maalis ang nakakahawang sakit na to.

edmendoza101
01-26-2007, 12:40 AM
kelan kaya maalis tong sakit nating ito? yun lang kasi ang paraan para umunlad ang bayan natin eh, yung maalis ang nakakahawang sakit na to.

Tanong diyan e , sino ba nagdala ng corruption sa Pinas?

Maga intsik di ba? Patayin lahat ang mga yan! j/k:D :D :D

JOM'S
01-26-2007, 03:24 AM
mahihirapan ng maalis ang kurakot sa pinas ...

ultimo pinaka maliit na proyekto ng national o local government may MGA nakikinabang ...

chito
01-26-2007, 07:55 AM
Tanong diyan e , sino ba nagdala ng corruption sa Pinas?

Maga intsik di ba? Patayin lahat ang mga yan! j/k:D :D :D

ironically, sila ang pinakamayaman dito sa atin. henry sy, george ty, gokongwei, at go teng kok (eheste, teka, mali yata, ganun na ba kayaman tong kumag na to ha ha ha).

chito
01-26-2007, 07:59 AM
mahihirapan ng maalis ang kurakot sa pinas ...

ultimo pinaka maliit na proyekto ng national o local government may MGA nakikinabang ...

si lito lapid at yung anak nyang si mark lapid, grabe ang kurakot nun sa quarrying sa pampanga. pagsamahin ba naman yung pondo nila as senator & as governor, eh di tubong-tubo na, kaya ang lake ng pera nila dun. under investigation nga sila dahil dito, di ko lang alam kung ano na status ng investigation.

flipside
01-27-2007, 12:22 AM
dapat kasi regular na sweldo ang ibigay kasi kapag porsyentuhan e tlgang garapalan may panukala na para dyan pero d ko alm kng umusad.

edmendoza101
01-27-2007, 03:13 AM
ironically, sila ang pinakamayaman dito sa atin. henry sy, george ty, gokongwei, at go teng kok (eheste, teka, mali yata, ganun na ba kayaman tong kumag na to ha ha ha).

Kaya nga yumaman ang mga lokong yan e dahil sa pangko -corrupt sa gobyerno.Kaya sagasaan ang lahat ng yan!:D

chito
01-27-2007, 04:01 AM
Kaya nga yumaman ang mga lokong yan e dahil sa pangko -corrupt sa gobyerno.Kaya sagasaan ang lahat ng yan!:D

idagdag pa ang mababang pa-sweldo nila sa mga employees nila, i shld know kasi nagtrabaho ko sa sm head office sa quiapo. mayaman sila dahil napaka-wise nila talaga pagdating sa negosyo!