View Full Version : tanong....


Chadmack
01-05-2007, 06:15 AM
Malcolm Klassen, Guadalupe Rosales, Agnaldo Nunes, Nobuhiro Honmo, Francisco Lorenzo and Yusuke Kobori.... yan ang mga possibleng makalaban ni pac sa apr 28... cigarette vendors ata to at nde lang pedicab drivers eh. ano na ba nangyayari sa career ni pac? pagkatapos ng napakagandang 2006 eh ganyan na lang ba ang kakalabanin ni pac ngayon?

me sinabi rin si pac na nde daw nya kailangan si barera, si MAB daw ang me kailangan sa kanya... then parang ayaw nyang labanan si valero gayong open ng hinahamon si pac ni edwin. what? sasabihin na ano ba ginawa ni valero or soto para karapat dapat silang kalabanin si pac. e langya, kung ganyan na ang takbo eh yung mga cigarette vendors na lang ba ang makikita natin.

ewan ko sa inyo mga tol pero nde eto yung pac na hinangaan ko ng husto. kung papansinin nyo rin, kapag iniinterview sya ng mga kano eh ang humble humble ng sagot nya di ba? pero pag pinoy ang nagtatanong, ganun na lang kung maliitin nya yung mga kalaban nya, even nung ke EM pa, lalo na nung pangatlo. tapos tahasan na sya kung maliitin yung sila valero even in english, kaya nga naintindihan ni valero at nagrereact yun eh.

yeah, pedicab drivers na kung pedicab drivers yung mga kalaban ni valero, pero even si pac eh nde nya napatumba man lang si fahsan sa 1st round eh. at kahit na nung nagsisimula pa lang si pac, mga di rin naman kilala yung mga tinatalo nya at nde naman nya natatapos sa 1st round lang ang mga yun, mas lalo pa na sunod sunod na 1st TKO/KO.

sa ngayon ata, its the businessman side ni pac ang nakikita na natin, parang nawawala na yung "GUTOM" kasi nasa taas na sya eh. pero me mga question pa rin naman sa status nya, na yun sana ay gusto kong sagutin nya sa pamamagitan ng paglaban nya sa mga top contenders sa division nya. unang una at pangalawa na dun eh sina MAB at JMM. sumunod na lang dun sina valero at soto at guzman.

ngayon tuloy marami pang sinasabi yung mga contenders, at parang si pac ngayon yung umiiwas sa laban... one solid proof eh yung mga cigarette vendors na nakalineup sa laban nya. well, i cant blame pac for cashing in on his popularity, pero people also cant blame pacfans to feel disappointed....

xzworks
01-05-2007, 07:44 AM
pede yata si guzman ok naman un at si soto.. ayos din un..gawin yan sa cebu o manila kikita yan.

Counter Puncher
01-05-2007, 12:34 PM
Tama ka kapatid! Nung mabasa ko nga to sa dyaryo habang kumakain ng almusal eh muntik ko nang maluwa yung pandesal! Eh wala yata akong kilala dito sa mga to. Sa totoo lang, kahit si Pac, si Roach, o kung sino pang hudas dyan eh di kilala yang mga yan! So di ko alam kung san pupulutin sa takilya yan. Baka sumobra na laki ng ulo ni MP na sa tingin nya, kahit sino kalaban basta nandun sya eh kakagatin. Kung it takes 2 to tango, sa tingin ko ganun din sa boxing. Eh kaya lang naman sumikat si Pac eh dahil din sa competition na sinuong nya. Kung di rin nya nakalaban yung 3M ng mexico eh ala rin sya ngayon. Tapos ngayon mga kargador sa pier ang kakalabanin nya? wtf! Nilait nya si Valero na taxi drivers ang mga kalaban, eh ano, wala rin naman si Valero. Pero Pacman # 1 papatulan kargador? Pwe! Madami namang iba dyan na siguradong puputok sa takilya - MAB, JMM, Valero, Joan, Soto, Juarez, Barios. Pac has everything but a legitimate belt! Yun na dapat ang ambisyunin nya bago sya tuluyang malaos! Isa pa rin syang hari na walang trono ngayon. Pag panis ang kinalaban nya, mapapanis na rin sya! Hay naku! :puppy_dog :duh:

Katz
01-05-2007, 07:28 PM
hehe! c Malcolm Klassen ang ok na next opponent ni Pac out of the names mentioned above. kc may IBF belt cya....

its like a tune up Championship fight for him. After Malcolm Klassen he could unify the belt of JMM-MAB winner unless MAB hindi matagalan ng belt coz of not fighting his mandatory.

Chups
01-05-2007, 07:36 PM
Hindi ko pa personal na nakita mga interview nya lately kaya hindi ko alam kung ano ang bago nyang asta. Sa ngayon para sa akin OK lang na pipitsugin ang kalabanin ni Pac. Kailangan nyang magpahinga....3 straight difficult fights ang ginawa nya nung 2006 (EM, Larios, EM) nakakapagod sa training ang pagppre-prepare nya sa tatlong laban na yan. Kahit pa 2 straight bums ang kalabanin nya this year eh OK din lang sa akin. He deserves an easy fight.

Gusto kong kalabanin nya yung me belt...yung si Klassen ata me major belt. Si Valero or Marquez sana at the end of the year (if not midyear). Ayoko si Soto at high risk low reward...ala namang belt yun eh. Pero kung mai-istrip si MAB nang belt at si Soto-Pac ang sasalo...eh payag na ako sa Soto-Pac. Si MAB wala na talagang pagasa...matatalo pa ke Marquez yan malamang.

And also kung pwede lang sanang bumalik si Pac sa featherweight...daming belted opposition dun. Injin Chi, Cris John at si bakla (JMM):D

Katz
01-05-2007, 08:02 PM
Hindi ko pa personal na nakita mga interview nya lately kaya hindi ko alam kung ano ang bago nyang asta. Sa ngayon para sa akin OK lang na pipitsugin ang kalabanin ni Pac. Kailangan nyang magpahinga....3 straight difficult fights ang ginawa nya nung 2006 (EM, Larios, EM) nakakapagod sa training ang pagppre-prepare nya sa tatlong laban na yan. Kahit pa 2 straight bums ang kalabanin nya this year eh OK din lang sa akin. He deserves an easy fight.

Gusto kong kalabanin nya yung me belt...yung si Klassen ata me major belt. Si Valero or Marquez sana at the end of the year (if not midyear). Ayoko si Soto at high risk low reward...ala namang belt yun eh. Pero kung mai-istrip si MAB nang belt at si Soto-Pac ang sasalo...eh payag na ako sa Soto-Pac. Si MAB wala na talagang pagasa...matatalo pa ke Marquez yan malamang.

And also kung pwede lang sanang bumalik si Pac sa featherweight...daming belted opposition dun. Injin Chi, Cris John at si bakla (JMM):D

hehehe! :D c Malcolm Klassen lang talaga ang ok! Pero c Inchin Ji is a possible opponent for Pac din... tsk tsk tsk... hindi na ito tune up! :D

kadyo
01-05-2007, 10:43 PM
Si Malcolm Klassen ay IBF champion at 130 e pwede ng tune up fight para ke pac. Hindi naman sa pinagtatangol ko tong manok natin pero kailangan din nya yata ng tune up fight tapos nyang maginsayo ng mabigat para talunin si morales. Yung mga mabibigat na laban nya gaya nina valero, barrera, marquez, guzman at kung sino sino pa ay pwede namang makapaghintay dahil sa totoo lang sila naman talaga ang dapat maghabol ke pac. Dapat samantalahin na ni pac angpagkakataong ito para makagawa ng limpak limpak na salapi at dapat nyang isiping mabuti kung sino ang kakalabanin sa layuning makagawa ng mas maraming pera at dapat nya ring balatuhan ang barkadahan natin dito sa BS maliban na lang ke joartcc. :D

flipside
01-05-2007, 11:35 PM
si klassen din ako at least may belt :D

kg21mvp
01-06-2007, 03:51 AM
ako kahit sino basta merong laban.. pero if belts are concerned dun na kay klassen or c soto pwede rin..

chito
01-06-2007, 04:24 AM
relaks lang chadmak. na kay pac ang lahat ng oras at he is very young at 28. yang mga laban na sinasabi mo like yung kay valero, it could wait kahit sa 2008 pa. si jmm ay pwedeng-pwede pa din yang kalabanin kasi unlike mab, di naman gaanong bugbog ito, yun nga lang medyo may kabagalan na din.

palagay ko di naman seryoso si pac nung sinabi nyang puro pedicab drivers lang yung mga tinalo ni valero he he he. pampasaya lang siguro dahil pag ini-interview naman yang si pac ay mas mainam pa yung ganyan kasi di naman talaga mahusay magsalita o mag-express ng sarili yan eh.

JOM'S
01-06-2007, 06:00 AM
sa akin lang dapat ng mapalaban sa title belt si pac, okey na si klassen ...

kahit tipong tune up fight, meron pa ring title belt ...

yung taxi driver comment, noon ko pa naririnig yan sa boxing circle, hindi na bago yung sinabi ni pac ...

saka dati na naman may yabang na tinatago ang manok natin, normal naman sating pinoy yan, malaki bilib sa sarili, he he...

Chadmack
01-06-2007, 10:03 AM
malamang tama kayo na its time for easy fights for pac. ewan ko ba, naspoiled lang ata ako na bigatin ang mga kalaban ni pac nung 2006. at isa pa, kala ko sya na susunod sa yapak ni erik morales na halos wala na tuneup fights(considering pac wants to retire early di ba) at isa pa sa kinaiinis ko rin eh yung fact na last year na ni MAB to, si JMM din eh nde na rin bumabata, at baka pag nilabanan pa ni pac yung mga yun eh sasabihin eh washed out fighters na yun kaya tatalunin na nya.

gusto ko talaga sana na banatan na nya yung mga young fighters pa lang gaya nila valero soto at guzman, para once and for all eh ibigay na yung credit ke pac ng mga non believers. well, its to much to ask i guess, pero still, im disappointed. champion my ass, class b yung ibf champion na yun, kayang talunin din ni blowblow pac yun eh.

yung sinabi mo joms bout kayabangan, ok naintindihan ko na yung kaangasan ni pac:D


ok nako, yeah go ahead pac, cash in as long as you like, you deserve it.
pero kaya rin pala nagrereact yung mga pacfans na ayaw sa decision ni pac na sa TR pumunta... tingnan nyo yung mab-jmm card, ang galing ng matchups no

(in the mean time na wala pang big fight si pac:abangan ko na lang ufc 67, octagon debut ni cro cop at ni rampage woohooo sana me rampage-iceman 2 later this year hahaha)


:D :D

JOM'S
01-07-2007, 03:48 AM
preng chad alam mo mas gusto ko talaga na mapunta sana si manny sa GBP para tuloy tuloy ang mgagandang laban ngayon 2007 biro sana si MAB tapos JMM ang mgakakalaban nya ngayon, sayang talaga

tama rin yung sinabi mo na spoiled tayo sa mga kalaban ni pac nung 2006 biro mo tune-up Oscar Larios ang kalaban ... tsk tsk ...

pero hindi pa rin naman ako nawawalan ng pagasa, pagtyagaan na natin si klassen kahit class B o C pa ito, it will make Manny officially a 3-Time World Champ atsaka magandang simula rin ito para sa gusto ng maraming pacfans na sana ma-unify nya ang title belts sa 130 against valero, guzman and either (MAB, JMM or Sotto)...

I am hoping na itong ke klassen last ang non-mega fight ni pac ...

Counter Puncher
01-07-2007, 12:24 PM
Of course, I took it na pag sinabing "next fight" ni pacman eh yung money fight, not tune up fight. That's why nagulat ako sa wish list nya na puro kargador sa pier ata. Wish list kasi, hindi sinabing pampagana lang o panghimagas. Well, come to think of it, kung March na laban nga naman ang pinaguusapan, eh di hindi pwedeng money fight yun, kundi tune up lang. dahil kakasabak nga lang ni pac at imposibleng makapagprepare sya for a big fight in just two months time lang. but still, sana naman eh yung worthy opponent pa rin tulad ni larios dati, baka kasi kung panis ang kalaban eh wala ring kwentang tune up yun! agree ako na yung may belt na lang para may silbi kahit pano. :kiss: